Dennis Larawan mula sa IG/@dennistrillo

Dennis, Jennylyn positibo sa COVID

December 12, 2023 People's Tonight 169 views

NADALE ng COVID-19 ang aktor na si Dennis Trillo, maging ang kanyang mag-ina na sina Jennylyn Mercado at anak nilang si Dylan.

Sa kanyang Instagram page, idinaan na lamang ng aktor sa pagkanta ang pagbabahagi niya ng balita.

Pinamagatan pa niya ang kanta na “Gamutin na natin ‘to!”

“O ito na nga, tinamaan din ako,” saad ni Dennis.

“Akala ko’y hindi na tatablan nito. Ba’t nag-positive ako? Gamutin na natin ‘to,” pagpapatuloy pa ng aktor.

“May bago na ngang uso. Pati na ang misis ko. May COVID kaming tatlo,” aniya pa.

Nakisimpatya naman ang mga netizens sa comment section ng post ni Dennis.

“Get well soon.”

“Pagaling po kayo Dennis Jen and Dylan.”

“Making positive out of a negative situation. Get well soon po sa inyo!”

“Pagaling kyo.. stay positive in mind laban lang at idaan sa kanta.”

AUTHOR PROFILE