
JK Labajo inaming inspirasyon sa ‘Ere’ breakup nila ni Maureen
IBINUNYAG ng singer-songwriter at aktor na si Juan Karlos “JK” Labajo ang naging inspirasyon sa kanyang hit song na ‘Ere’ ay ang breakup nila ng dati niyang nobya at model-beauty queen na si Maureen Wroblewitz.
Sa isang panayam, saad ng ‘Senior High’ actor na halata naman daw na patungkol ang kanta sa hiwalayang naranasan ng isang indibidwal.
“Kung hindi obvious, ewan ko na lang!” sey ni JK.
“Well, I’m not really hiding anything, it’s a super given thing that the whole thing was for a breakup. ‘Ere’ is one of the songs that I made for my relationship that ended, so that’s it,” pahayag pa ng singer-songwriter.
Nang tanungin naman si JK kung anong parte ng kanta ang inspired sa breakup nila ni Maureen, sinabi niyang lahat ng parte ng ‘Ere.’
“What part of the song? The whole song! Surprise!” wika niya.
Matatandaang naging usap-usapan ang milestone na nakuha ni JK sa kanta niyang “Ere” matapos itong tanghaling bilang kauna-unahang Filipino song na nag-debut sa Spotify Global Chart.