Kathryn

Kathryn nagpapasalamat sa ina

December 13, 2023 Aster Amoyo 317 views

Kathryn1Kathryn2THERE is life after her much publicized break-up with her ex-boyfriend of eleven years na si Daniel Padilla for the 27-year-old Kathryn Bernardo. Dahil bukod sa kanyang pagiging successful entrepreneur, ang actress, celebrity endorser at box office star ay inuulan ngayon ng maraming blessings.

Kathryn and her family have just moved to their new home and is about to start filming her new solo movie, ang historical film na “Elena 1944” set in the Japanese occupation na pamamahalaan ni Direk Olivia Lamasan sa pagpasok ng 2024. Si Direk Olive din ang nag-direk ng “Barcelona: A Love Untold” nina Kathryn at Daniel nung 2016.

Kagagaling lang din ni Kathryn sa kanyang successful movie, ang “A Very Good Girl” which she co-starred with Dolly de Leon produced by Star Cinema.

Although naging very successful ang team-up nina Kathryn at Daniel, the former was able to prove to everyone na kaya niyang tumayo on her own without banking on a loveteam na kanyang pinatunayan sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nila ng Kapuso prized actor na si Alden Richards in 2019. The movie is considered the highest Filipino grossing film of all time, dislodging even Kathryn and Daniel’s own movie in 2018, ang “The Hows of Us”. Both movies were helmed by box office director Cathy Garcia-Sampana. Si Direk Cathy rin ang nasa likod ng tatlong hit TV series ng dating magkasintahan, ang “Got To Believe,” “Pangako sa `Yo” at “La Luna Sangre” maging sa hit movie na “She’s Dating the Gangster” at “The Hows of Us”.

Last year, it was announced na muling magtatambal sina Kathryn at Daniel sa isang bagong movie na to be helmed by Direk Cathy pero dahil sa paghihiwalay ng dalawa, the project might be put on hold. Pero umaasa ang box office director na ma-delay man ito, gusto niyang sina Kathryn at Daniel pa rin ang maging pangunahing bituin ng pelikula which was created for them.

Ang isa pang project ng dalawa which was supposed to be shot in the US, ang “After Forever” ay naka-hold din na pamamahalaan din sana ni Direk Cathy.

Samantala, klinaro ng ina ni Kathryn ang lumulutang na balita na lilipat umano ng TV network ang kanyang anak just because of her daughter’s break-up with Daniel na isa ring Kapamilya star. Wala umano itong katotohanan dahil mananatili umanong Kapamilya si Kathryn.

The Kapamilya superstar is spending more time now with her family and close friends. She’s thankful specially to her mom na never umano siyang iniwan kahit kailan.

“Blessed to have had the best support system as I navigated the challenges of this industry and the career path I chose. Thank you Mama for being my number one supporter since the beginning-from accompanying me to auditions, to encouraging me as I experienced rejections, and then to finally fulfilling our dreams together,” mensahe ni Kathryn for her mom sa kanyang IG account.

Daniel matagal nang nagsosolo

DanielDaniel1SAMANTALA, bagama’t pino-process pa rin ni Daniel Padilla ang kanilang hindi inaasahang paghihiwalay ni Kathryn Bernardo na naging kasintahan niya sa loob ng 11 years, tiyak na hindi magiging madali sa Kapamilya singer-actor ang bago niyang tatahaking career ngayong solo flight na siya.

Kahit nung buo pa ang tambalan nina Kathryn at Daniel ay nakagawa rin ang huli ng solo projects without Kathryn tulad ng “Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine)” with Charo Santos, “Gandarrapido: The Revenger Squad” with Vice Ganda and Pia Wurtzbach at “Bonifacio ang Unang Pangulo” with his uncle, Sen. Robin Padilla.

Ngayong 2024 ay may tatlo umanong bagong projects na sisimulan si Daniel na hindi na niya kasama ang dating kasintahang si Kathryn na huli niyang nakatrabaho sa kanilang 2022 TV series na “2 Good 2 Be True”. Last movie team-up naman nina Kathryn at Daniel ay ang 2018 blockbuster movie na “The Hows of Us”.

Zeus ikinasal, mga kasama sa ‘It’s Showtime’ dumalo

ZeusZeus1Zeus2IKINASAL na ang dating Hashtags dance group member at actor na si Zeus Collins sa kanyang non-showbiz fiancée na si Pauline Redondo. Ito’y ginanap sa Acea Subic Beach Resort in Subic, Zambales nung nakaraang Sabado, December 9.

Ang comedy superstar at main host ng noontime program na “It’s Showtime” na si Vice Ganda ang nanguna sa dumalong guests kung saan naroon din ang partner niyang si Ion Perez, Jackie Gonzaga, Loisa Andalio, Elisse Joson at ilan sa mga dating kasamahan ni Zeus sa Hashtags all-male dance group tulad nina McCoy de Leon, Ronnie Alonte, Nikko Natividad, Wilbert Ross, Kid Yambao at Tom Doromal.

Si Zeus ay nag-propose sa kanyang girlfriend na misis na ngayon nung May 2022 sa gitna ng Star Magic All-Star Games.

Ang dancer-actor ay kasama sa pelikulang “Para Kang Papa Mo” kung saan kasama rin sa movie sina Nikko Natividad at Kid Yambao at pinagbibidahan mismo nina Mark Anthony Fernandez at Nikko kasama sina Eric Fructuoso, Jao Mapa, Ruby Ruiz at iba pa mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap. Ang nasabing pelikula ay palabas ngayon sa mga sinehan.

Among the Hashtags members, si Nikko ang unang nagkaroon ng sariling pamilya. May anak na rin si McCoy at partner nitong si Elisse Joson pero hindi pa kasal ang dalawa habang kasintahan naman ni Ronnie hanggang ngayon si Loisa Andalio.

Cast members ng bagong ‘Encantadia’ naghahanda na

PicPINAGHAHANDAAN ngayon nina Bianca Umali, Angel Guardian, Faith Da Silva at Kelvin Miranda ang kanilang bagong serye, ang bagong franchise ng hit fantasy-adventure and action TV series na “Encantadia Chronicles: Sang’gre” na mapapanood sa early part ng 2024 mula pa rin sa pamamahala ni Mark A. Reyes who started the series in 2005 kung saan ang original cast ay binubuo nina Dingdong Dantes (who played the role of Ybrahim), Karylle (Alena), Sunshine Dizon (Pirena), Iza Calzado (Amihan) at Diana Zubiri (Danaya) kung saan din kasama sina Jennylyn Mercado (as Lira) Mark Herras (as Anthony), Yasmien Kurdi (Mira) at Alfred Vargas (as Aquil). Ito’y sinundan ng “Etheria: Ang Ikalawang Kaharian ng Encantadia,” “Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas” and another “Encantadia” series.

Sa original cast ng “Encantadia,” lumipat na sa ABS-CBN sina Karylle at Iza habang nananatili namang freelancer hanggang ngayon si Sunshine Dizon na identified sa pagiging Kapuso star habang si Diana ay nag-move na sa Australia with her family.

Ang original “Encantadia” series in 2005 pa rin ang maituturing na most successful series sa bakuran ng Kapuso network.

Zeinab ipinagmamalaki ang love scene nila ni Derek

ZeinabDUMALO ang social media star na si Zeinab Harake sa presscon ng horror movie na “K(ampon)” na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez at pinamahalaan ni King Palisoc under Quantum Films at isa sa sampung pelikulang kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival.

First movie ni Zeinab ang “K(ampon)” at meron umano siyang intimate scenes with Derek Ramsay.

Hindi ikinakaila ng sikat na YouTuber na kinabahan umano siya pero nagpasalamat siya sa mister ni Ellen Adarna dahil inalalayan umano siya nito

“First movie ko tapos napasabak agad ako sa mga intimate scenes at si Derek pa ang kaeksena ko. Saan ka pa?” natatawa niyang pahayag during the presscon na nataon sa kanyang ika-25th birthday.

Zeinab has 13.9M subscribers sa kanyang YouTube channel and is in a relationship with basketball player na si Bobby Ray Parks.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE