Default Thumbnail

De Leon: Mayabang, aroganteng pulis walang puwang sa PRO-3

September 5, 2021 People's Tonight 341 views

MAYABANG, arogante, tamad, at abusadong pulis ay walang uwang o hindi pwede sa Region 3.”

Ito ang paalala ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Director P/BGen Valeriano De Leon sa lahat ng miyembro ng PNP sa Central Luzon.

“Pag may nagsumbong na sibilyan at naapektuhan ng kayabangan o pagiging arogante o tamad, at abusado mo, asahan mo na paiimbestigahan kita,” babala pa ni Gen. de Leon.

Paliwanag niya, “Halimbawa may humingi na tulong sayo dahil may gulo sa kanilang lugar o biktima siya ng krimen at hindi mo inasikaso at pinababalik mo lang dahil pauwi ka na o tapos na duty mo, aba’y nilabag mo ang iyong sinumpaang tungkulin.”

“Dahil hindi mo sinunod ang motto natin na to protect and to serve…either suspindihin kita o sisibakin kita serbisyo depending on the gravity of your offense o may nangyaring masam sa complainant na hindi mo tinulungan,” ani de Leon.

Pahabol pa ng heneral, hindi lang ito applicable sa PNP Region 3 kundi maging sa lahat ng miyembro ng PNP.

AUTHOR PROFILE