![Phivolcs](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2022/02/Phivolcs.jpg)
DavOr nilindol
NIYANIG ng magnitude 4 na lindol ang Davao Oriental Martes ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol dakong 6:02 ng umaga.
Umabot sa 26 kilometro ang lalim ng lindol na may tectonic origin.
Naitala ang epicenter sa 14 kilometro ng northeast ng Banganga, Davao Oriental.
Wala namang naiulat na nasaktan o napinsala sa lindol, ayon sa Davao Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.