Dating partner ni Pokwang may dine-date nang iba
IT’S been over a year na hiwalay na ang (dating) couple na sina Pokwang (Marietta Subong) and her American partner of almost 6 years na si Lee O’Brian at mukhang wala nang chance na magkabalikan pa ang dalawa sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng anak, si Francine Malia who turned 5 recently.
Ayon na rin mismo sa singer, actress-comedienne, host and entrepreneur, may iba na umanong dini-date ang kanyang dating partner.
Gayunpaman, wala umanong drama ang kanilang paghihiwalay at nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan and as parents to their daughter, Malia. Malaya ring nabibisita (sa bahay ni Pokwang) ang kanilang anak.
There was even a time that Malia was with her dad and her paternal grandparents in the US.
Ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak ay ayaw niyang ipagkait kay Malia unlike her eldest daughter na si Mae na walang solid foundation sa kanyang biological father na isang Japanese national.
Being a single mom to her two beautiful daughters is nothing new to Pokwang. Raising them is her passion and inspiration kaya siya nagsisipag sa kanyang trabaho.
Kim at Xian career muna bago kasal
BUKOD sa magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na may 11 years na ang relasyon, going eleven na rin this year ang mag-sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim. It was only in 2018 nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon sa kabila ng matagal nang espekulasyon ng publiko.
Xian si 33 turning 34 on July 12 habang si Kim naman ay magti-33 sa darating na April 19 and both are of age to settle down. Pero mukhang wala pa sa immediate plans ng dalawa ang pagbuo ng pamilya dahil na rin siguro sa kanilang busy schedules sa kanilang respective careers.
Si Kim ay isang isang successful singer, actress, dancer and host sa bakuran ng ABS-CBN habang si Xian na nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency is exploring his other talents bukod sa singing at acting, ang pagsusulat at pagdidirek. Katunayan, he’s the writer-director ng bagong comedy movie ng Viva Films, ang “Hello Universe” kung saan tampok na mga bituin sina Janno Gibbs, Anjo Yllana at Benjie Paras na palabas sa mga sinehan ngayong January 25.
Bukod sa pagsusulat at pagdidirek ay may bagong teleseryeng aabangan kay Xian sa bakuran ng GMA, ang “Hearts on Ice” na pinagtatambalan nila ni Ashley Ortega.
Bago sinimulan ang taping ng nasabing serye ay nag-aral muna si Xian mag-ice skating in preparation for his role.
Matutuloy na rin ang unang tambalan nila ni Jennylyn Mercado, ang “Love, Die, Repeat” na siyang magsisilbing comeback TV series ng singer-actress matapos niyang isilang ang unang baby nila ng mister niyang si Dennis Trillo, their daughter na si Baby Dylan (na kamukhang-kamukha ng ama).
Xian spent the Christmas holidays and New Year in Europe with Kim.
Kristel may career at lovelife na sa South Korea
LALONG nagging inspirado ang 28-year-old actress-singer at “Goin’ Bulilit” alumna na si Kristel Fulgar na mag-stay ng South Korea and embrace the culture dahil bukod sa kanyang nagsisimulang career sa nasabing bansa, she’s currently in a relationship with a young Korean businessman na si Yohan Kim na tinatawag niyang Big Boss.
Si Kim ay papasa bilang isang Korean matinee idol kung nanaisin nitong pumasok sa showbiz.
It was last year nang lumagda ng kontrata si Kristel with a Korean talent agency, ang Five Stones Entertainment at kasunod na rito ang kanyang unang TV guesting in South Korea.
Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Korean language in preparation sa kanyang pagsabak sa bago niyang career sa South Korea. Sa nasabing bansa na rin siya nag-celebrate ng kanyang 28th birthday last December 29 kasama ang rumored boyfriend’.
Si Kristel ay isa ring successful vlogger.
Alice inilantad na ang dalawang anak
HINDI ikinakaila ng dating beauty queen-turned actress na si Alice Dixson (53) na sobra umano niyang ini-enjoy ang kanyang role bilang mom sa kanyang almost two-year-old daughter na si Aura sa kanyang American businessman partner (or husband?) who owns a resort in Boracay. Ito umano ang role na hindi niya puwedeng ipagpalit sa kanyang mga ginagampanan bilang actress.
Bukod kay Aura, ipinakilala na rin ni Alice ang kanyang panganay na anak na si Sassa who came into her life more than ten years ago when she (Sassa) was in her teens. Sassa is not her biological daughter but treats her as her own and considers her as her eldest daughter.
Alice was formerly married to a Filipino based in Canada na si Ronnie Miranda pero sila’y nagkahiwalay in 2013. Hindi sila nabiyayaan ng anak.
Aura was born through a surrogate mother in the US nung February 2021 and brought her home three months later in May 2021.
Hindi man naranasan ni Alice ang magbuntis at manganak, ang pagmamahal niya bilang ina sa kanyang dalawang anak ay wala umanong katumbas.
Rhen may gustong patunayan
RHEN Escano was launched by Viva Films in 2019 alongside former beauty queen Cindy Miranda sa pelikulang “Adan” na dinirek ni Roman Perez, Jr. Said movie propelled the respective acting careers ng dalawa.
The former mainstay of German Moreno’s late night program on GMA, ang “Walang Tulugan with the Master Showman” showed that she can act sa kabila na ang kanyang pagpapa-sexy sa mga pelikulang kanyang ginawa o patuloy na ginagawa.
“Nagpapaka-daring man ako sa mga pelikulang ginawa ko, it’s because kasama siya sa magandang kuwento,” paliwanag ni Rhen na gustong makilala bilang isang mahusay na actress kesa isang sexy star.
“There’s nothing wrong naman sa pagiging isang sexy star dahil maraming sexy stars ang nag-evolve bilang mahuhusay na aktres at yun ang path na gusto kong sundan,” aniya.
Hinangaan si Rhen sa kanyang acting sa kanyang first indie movie na “Magdalola at ang mga Gago” in 2016 na sinundan ng kanilang launching movie ni Cindy, ang “Adan”. She was also praised in her role sa “Untrue” at “Rooftop” maging sa pelikulang “Paraluman” at “Lulu,” among others. May ginawa rin siyang international movie in Singapore, ang “Sunday” opposite Vietnamese actor Ho Thanh Trung directed by a Singaporean director. Hindi rin siya makakalimutan sa kanyang long stint with the top-rating action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Ngayong 2023, Rhen hopes to be busier. Nakatakdang ipalabas ang local version ng Korean movie na “Spellbound” na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Marco Gumabao at kung saan kasama siya sa cast.
Before the month is over ay may bago siyang movie na sisimulan sa bakuran ng Viva.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.