Dating leader ng NPA sundalo na ngayon

December 11, 2022 Zaida I. Delos Reyes 121 views

ISANG dating opisyal ng New Peoples Army (NPA) ang napabilang sa mga nakakumpleto ng Candidate Soldier Course and and Infantry Orientation Course at ngayon ay isa nang ganap na miyembro ng Philippine Army (PA).

Si Private Kurt Russel Sosa, kilala noon bilang alias Ugnay ay dating deputy secretary ng Sub-Regional Committee 4 at secretary ng Guerilla Front 3.

Kasama si Sosa sa 106 na nagsipagtapos sa isang simpleng seremonya sa Camp General Manuel Yan Sr. sa Mawab, Davao de Oro nitong Sabado.

Bilang bagong miyembro ng 10th Infanty Division (ID) sinab ni Capt. Mark Anthony Tito, si Sosa ay maide-deploy sa iba’t ibang assignment.

Si Sosa ang class president ng kanilang batch na kinabibilangan ng 18 babae.

Bukod kay Sosa, mayroon ding tatlo pang dating rebelde sa grupo at siyam na miyembro ng indegenous people’s community.

Ayon kay Sosa, pinili niyang maging sundalo upang mabawi ang kanyang mapayapang buhay kasama ang kanyang pamilya. Pinagsisisihan din umano niya na naniwala siya sa mga maling pangako ng NPA.

“Unlike when I was still in the armed struggle, we were restricted [to see our family] due to security reasons. Now that we (Davao Region) are insurgency-free, we have gained our peace of mind,” Pahayag ni Sosa.

Nanawagan din siya sa mga dating kasamahan sa kilusan na magbagong buhay.

“For my former comrades, we have seen our downfall and we have to accept that we are all collaterals of this circus. If you continue to join the revolution and wage war against the government, it will only lead you to death,” giit pa ni Sosa.