Daniel

Daniel, maangas ang porma sa PBA

January 16, 2023 Jun Nardo 453 views

MAANGAS ang porma ni Daniel Padilla nang kunan ng kamera habang nanonood ng laban ng Ginebra San Miguel versus Bay Area Dragons last Sunday sa Philippine Arena.

Kampi sa Ginebra si Daniel pero dating niya, eh, nakasuot ng dark glasses habang nasa loob ng arena, huh!

Tanong ng friends namin, “Puyat ba siya at nasisilaw sa ilaw?”

Porma ni Daniel ‘yun kaya kanya-kanyang trip lang ‘yan.

Sa game na ‘yon, nabigyan din ng chance na ma-interview sina Janno Gibbs at Anjo Ylana. Nag-promote na rin ang dalawa ng upcoming Viva movie nilang Hello Universe.

‘Yun na nga, nang interbyuhin ng PBA courtside reporter si Janno, todo English siya, huh! Pero nang si Anjo ang kausapin, Tagalog naman ang sinasabi niya.

Sabi nga, kanya-kanyang trip ‘yan kaya huwag basagin ang trip ni Janno kung gusto niyang magsalita ng English, huh!

SNOOKY, BUKOD TANGING NA-RETAIN SA TV VERSION NG REGAL MOVIE

NAGSIMULA kahapon, January 16, ang pilot telecast ng GMA afternoon series na Underage.

Bida sa TV adaptation ng movie sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes.

Sila ang makabagong Maricel Soriano, Dina Bonnevie at Snooky Serna na nagbida noon sa original Regal movie.

Tanging si Snooky lang ang na-retain sa cast para sa TV version.

Naku, ang sarap hingan ng reaksiyon sina Dina at Maricel sa bagong cast at TV version ng classic movie nila lalo na’t mga prangka ang mga ito, huh!

Teka, mahanap nga silang dalawa, hahaha!

AUTHOR PROFILE