Boy, bet makasal sa long-time partner

January 16, 2023 Vinia Vivar 256 views

Kung si Boy Abunda ang tatanungin, pabor siya sa same sex marriage na, as we all know, ay matagal nang pinagtatalunan kung dapat ba o hindi dapat payagan dito sa Pilipinas.

“Sana, dumating ang panahon na magkaroon ng same sex marriage. Takot na takot dito ‘yung ating mga legislator,” sey ng King of Talk nang matanong siya tungkol dito sa mediacon ng kanyang bagong show sa GMA-7, ang Fast Talk with Boy Abunda.

“Ako, I want to be practical. Ayaw n’yong tawagin naming marriage, union, ibigay n’yo sa amin ang karapatan,” dagdag niya.

Sa Japan nga raw ay mayroon nang tinatawag na relationship contract.

Kaya sana raw ay mabigyan na ng ganitong karapatan ang LGBTQ community dito.

“’Yan ay isang karapatan na ipinagdadasal ko na sana’y dumating sa buhay namin, na hindi na ipagkait sa LGBTQ community,” aniya

Kung siya ang tatanungin, someday ay gusto rin niyang makita ang sarili na ikasal sa kanyang long-time partner na si Bong Quintana.

“I would go for it only because I want to be able to protect myself and Bong,” pag-amin ng TV host.

“Can you imagine ang state natin ngayon, halimbawa ‘pag… I mean, knock on wood, may pumanaw sa amin, ang isa sa amin, walang karapatang pulutin ang katawan dahil wala kaming legal rights,” dagdag niya.

Pero hindi naman daw masasabing fan sila ni Bong ng same sex marriage.

“Sa tanda naman namin na ‘to, I’m not gonna go for the ceremony, wala na muna. Pero I will go for the marriage, even without a big party,” aniya.

Samantala, magsisimula na ang Fast Talk With Boy Abunda sa January 23.

Ito ang pagbabalik ni Kuya Boy sa telebisyon after more than two years. It’s a 30-minute show na mapapanood mula Lunes hanggang BIyernes, 4:05 p.m.

Nilinaw ni Kuya Boy na walang magiging kumplikasyon sa paggamit niya ng “fast talk” na phrase kahit sa ABS-CBN ito nagsimula dahil ipina-copyright na raw niya ito.

“I own the copyright of ‘fast talk,’ I invented that, I created that at nagpasintabi rin tayo para hindi nasu-surpise ang mga kinauukulan,” deklara niya.

Ini-reveal din ni Kuya Boy na si Marian Rivera ang kanyang first guest.

Toni1PRODU NI TONI, NAGSALITA NA

Nagsalita na ang producer ng nalalapit na birthday at anniversary concert ni Toni Gonzaga na si Joed Serrano hinggil sa kontrobersiya ng mga sold ticket.

Sa kanyang official statement na inilabas kamakailan, he revealed kung ilang porsyento na ang sold tickets at nilinaw na 350 pieces ang binili ng ina ni Toni na si Mommy Pinty.

Ang lumabas kasing tsika ay 500 tickets ang binili ng ina ni Toni at may tsismis pang mahina raw ang bentahan ng tiket.

“As of January 13 friday at 4:45pm, The I Am Toni concert Araneta coliseum on Jan 20, 2023 has already sold 55% of the tickets. 20% goes to the sponsors who pledged their support for their endorser toni gonzaga.

“Mommy Pinti ordered & paid 350 tickets for her mga friends, relatives at mga ka church mate na sa kanya umorder,” paglilinaw ni Joed sa statement.

Siya, bilang producer, ay bumili rin daw ng tiket.

“Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to ticketnet. These tickets are paid,” aniya.

“Wala nang libre sa panahon ngayon except pag kapamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula,” saad pa niya.

“As of this date, we still have 15% tickets unsold. You can still buy your tickets & get a chance to watch this very controversial concert. Its a celebration of 20 years in showbusiness & the birthday of our dearest Toni Gonzaga,” bahagi pa ng statement.

Nagbigay din ng payo si Joed sa mga nagkakalat ng mga negatibong tsismis.

“Let us all unite & be positive in life. Move on & be kind to all. Let us all give ourselves a chance to be good in this world. Smile, wag nega sa buhay. Kung wala kang sasabihing di maganda sa kapwa mo , then might as well be quiet kesa magkasala ka pa at mastress.

“See you all on Jan. 20, 2023 friday 8pm at the araneta coliseum,” ang huling bahagi ng statement ni Joed.

AUTHOR PROFILE