Claudine: ‘I need to work for my kids’

May 29, 2021 Aster Amoyo 712 views

PAREHONG excited ang dating magkasintahang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa kanilang balik-tambalan after almost 26 years.

In our exclusive interview kay Claudine sa aming “TicTalk with Aster Amoyo” sa aking YouTube channel, inamin ng bunsong kapatid nina Gretchen at Marjorie Barretto na first love umano niya ang panganay na anak ng actress-politician na si Alma Moreno at ng namayapang action star na si Rudy Fernandez. Pero naging greatest love naman umano niya ang yumaong actor na si Rico Yan.

Nauwi man sa hiwalayan ang relasyon noon nina Claudine at Mark Anthony dahil pareho pa umano silang mga bata noon, walang isyu sa dalawa ang muli nilang pagtatambal.

“Pareho na kaming may kani-kanyang buhay ngayon,” pahayag ni Claudine na masaya sa kanyang muling pagbabalik-showbiz.

Natutuwa naman ang fans ng aktres na nag-desisyon itong magbalik-showbiz. Umaasa rin ang mga loyal fans ni Claudine na sana’y matuloy din ang balik-tambalan nila ni Piolo Pascual. Ang dalawa ay huling napanood sa kanilang hit movie in 2004, ang “Milan” na dinirek ni Olivia Lamasan at kinunan mismo sa Milan, Italy.

Umaasa rin si Claudine na tuluy-tuloy na rin ang kanyang pagbabalik-showbiz.

“I need to work for my kids,” aniya.

Bukod sa dalawang anak nila ng kanyang ex-husband, ang actor na si Raymart Santiago, ang kanilang adopted daughter na si Sabina at biological son na si Santino, si Claudine ay muling nag-adopt ng dalawa pang bagong bata na sina Quia (5) at Noah (2).

Pareho umanong masaya sina Sabina at Santino bilang ate at kuya sa kanilang younger siblings.

Kababalik lamang galing Cebu ni Claudine kung saan ito nag-shoot ng isang produkto kasama ang Brapanese model-actor na si Daniel Matsunaga. Kahit delikado sa biyahe dahil sa Covid-19 coronavirus, isinama ni Claudine ang kanyang bunsong anak na si Noah dahil hindi umano siya nakakatulog maging ang bata na hindi sila magkatabi sa pagtulog.

Adjusted na rin sa Claudine sa kanyang pagiging single parent sa kanyang apat na anak.

Samantala, “The Comeback Queen” ang working title ng comeback movie ni Claudine with Mark Anthony Fernandez na pamamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan mula sa script ni Easy Ferrer. Kasama rin sa movie sina Alfred Vargas, Kara Madrid, Gerald Santos at iba pa. Ito’y joint production ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio and his business partners, ang mga negosyanteng sina Louie Gamboa at Richard Chuateco.

Ibinahagi naman sa amin ng lawyer-producer na si Atty. Topacio ang iba pa niyang projects na sisimulan pero focused muna siya sa pagtatapos next month ng “Mamasapano” na pinamamahalaan ni Lawerence Fajardo dahil ito umano ang kanyang maiden production under Borracho Films.

Joshua wala pang bagong GF pero may bagong project

NATUTUWA ang followers ng ex-PBB housemate-turned actor na si Joshua Garcia dahil muli itong mapapanood sa isang bagong teleserye na pinamagatang “Viral” na pagtatambalan nila ng 2020 MMFF Best Actress na si Charlie Dizon. Ang nasabing serye ang magsisilbing reunion project nila ng aktres na si Dimples Romana matapos nilang gumanap na mag-ina sa “The Greatest Love” TV series in 2016. Muli ring nagkasama sina Joshua at Dimples sa pelikulang “Block Z” shown nung January 2020.

Although ayaw pang i-reveal ang kanilang respective roles sa “Viral” na nagsimula nang mag-lock-in taping, kasama rin sa cast sina Jake Cuenca, Karla Estrada, Rommel Padilla, Marcus Paterson, Miko Raval, Ria Atayde, Vance Larena, Louise Abuel at iba pa.

Si Joshua ay huling napanood sa primetime TV series na “The Killer Bride” kung saan niya nakatambal ang partner na ngayon ni Markus Paterson (na kasama rin sa serye) na si Janella Salvador.

Although may boyfriend nang iba si Julia Barretto, loveless pa rin hanggang ngayon ang actor since their break-up nung April 2019. Of course, everybody knows na ang actor na si Gerald Anderson ang bagong boyfriend ngayon ng ex-girlfriend ni Joshua na si Julia.

“I have moved on,” pag-amin ng young actor.

Grand winner sa YFSF malalaman na

NGAYONG gabi (May 29), araw ng Linggo, malalaman kung sino sa pitong celebrity participants ang tatanghaling grand winner sa ikatlong season ng singing and impersonation contest ng mga kilalang music icon (both local and international) na tinatampukan nina Christian Bables, CJ Navato, Geneva Cruz, iDolls, Clarisse de Guzman, Lie Reposposa, Vivoree Esclito at Geneva Cruz. Sa kalagitnaan ng season ay nag-quit ang singer-dancer-host at politician na si Jhong Hilario para mapangalagaan sa coronavirus ang kanyang pamilya laluna ang kanyang bagong silang na baby na si Sarina. Twice nanalong weekly winner si Jhong at nakapag-uwi ng dalawang P50,000 plus trophy bago ito huminto sa laban.

Ang pitong natitirang participants ay siyang pumili ng kanilang gustong music icon at song for the grand showdown na magtatapos ngayong gabi.

Ang ikatlong season ng local franchise ng “Your Face Sounds Familiar” ay hosted by Luis Manzano with Sharon Cuneta, Gary Valenciano and Ogie Alcasid as judges habang sina Jed Madela at Nyoy Volante naman ang mentors.

Cindy pinayuhan ni Oropesa

KASAMA sa sexy-drama-thriller movie na “Nerisa” ang veteran award-winning actress na si Elizabeth Oropesa na nagsimula rin sa showbiz bilang sexy star. Tulad ng bida ng “Nerisa” na si Cindy Miranda, dati ring beauty queen si La Oro bago ito nag-showbiz.

During the virtual story conference ng “Nerissa” na sinulat ng premyadong writer na si Ricky Lee at pinamamahalaan ni Lawrence Fajardo under Viva Films, nagbigay ng advise si La Oropesa kay Cindy na puwede niyang maging vehicle ang kanyang pagpapa-seksi pero kailangang ilabas niya ang kanyang talent in acting kung gusto niyang makilala bilang aktres at magtagal sa industriya.

Sina Elizabeth at Gloria Diaz ay sabay na ni-launch bilang sexy stars sa 1974 movie na “Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa” na pinamahalaan ni Celso Ad. Castillo. Bilang solo star, si Elizabeth ay dinirek ni Ishmael Bernal in 1975 sa pelikulang “Mister Mo, Lover Boy Ko” na sinundan pa ng “Lumapit, Lumayo ang Umaga” na siyang nagbigay kay La Oro ng kanyang first FAMAS Best Actress trophy. Muli siyang dinirek ni Bernal sa pelikulang “Nunal sa Tubig” in 1976, one of the best films of Bernal nung ito’y nabubuhay pa.

“Nagpa-seksi rin ako nung simula ng career ko,” pag-amin ng dating beauty queen actress, doctor, driver, underwater photographer, philanthropist at dog lover.

Although Cindy was first launched sa sexy-drama-thriller movie na “Adan” in 2019 kung saan niyang co-lead ang fast-rising star na si Rhen Escano, ngayon lamang siya nabigyan ng kanyang solo launching movie sa pamamagitan ng “Nerisa” na malapit nang matunghayan sa Vivamax app. Tampok din sa nasabing pelikula sina Bembol Roco, Sean de Guzman, Guji Lorenzana, Sheree Bautista, Gwen Garci at iba pa.

Still on Cindy, natutuwa rin siya sa desisyon ng 2020 Miss Universe-Philippines na si Rabiya Mateo sa plano nitong pagpasok sa showbiz.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel, follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE