Cindy

Cindy, batang Imelda Marcos sa ‘MoM’

December 1, 2022 Ian F. Fariñas 484 views

ANG beauty queen-turned-actress na si Cindy Miranda ang final choice ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap para gumanap sa papel na Young Imelda sa Martyr or Murderer (MoM), ang part 2 ng blockbuster Viva Films movie na Maid in Malacañang.

Pahayag ni Direk Darryl sa kanyang Facebook account, “matapos ang halos isang buwang pagtitimbang ng mga posibilidad at kalidad; nakatagpo kami ng isang Beauty Queen na may kaparehas na yumi at husay sa pananalita, Pilipinang-pilipina, may ambisyon at di basta pasasakop kaninuman.

“ang bahaging ito sa buhay ng IRON BUTTERFLY ang isa sa pinakamakulay. kilalanin natin ng sabay sin Cindy at Meldy.”

Isa-isa rin niyang inilabas ang mga litrato mula sa look test nina Cesar Montano (bilang former President Ferdinand Marcos Sr.) at dating Manila Mayor Isko Moreno (bilang former Senator Benigno ‘Ninoy’ Aquino), pati na ang kina Jerome Ponce (bilang batang Ninoy) at Marco Gumabao (bilang batang Macoy).

Kung hindi magbabago ang plano, sa February 25, 2023 ipapalabas ang MoM sa mga sinehan worldwide.

AUTHOR PROFILE