Default Thumbnail

CIDG nag-Oplan kalikasan

July 10, 2022 Jonjon Reyes 734 views

1 binitbit dahil sa iligal na pagtotroso

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Presidential Degree 705 (pagkasira ng kalikasan) ang isang 39 anyos na driver habang lulan ng mga iligal na troso ang minamanehong Isuzu Truck sa Barangay Magsaysay, Los Arcos, Prosperidad, Agusan Del Sur , nitong nakaraang Sabado ng umaga.

Nakilala ang driver na si Edmundo Andal Corral Jr., may asawa, ng Sitio 2 Bahay Pare , Candaba, Pampanga.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col.Gilbert T Papa, provincial Director Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)sa Agusan Del Sur, bandang 9 a.m. nang masabat nila ang mga iligal na troso sa Bgy. Magsaysay, Los Arcos, sa naturang lalawigan.

Base sa nakalap na impormasyon ng CIDG sa pamumuno ni PLT Col. Monico Cadayona, hepe ng Caraga CIDG., naglunsad sila ng “Oplan Kalikasan” at natumbok nila ang puting Isuzu Wing van (NEM 2705). Nasabaf ng mga operatiba ang mga naturang troso na kinabibilangan ng isang piraso ng Bdft 5x58x20: 1 Bdft 5x57x12; 1 5x52x10; isang Bdft5x56x12 isang Bdft 5x52x20; 1 Bdft 5x51x20; isang Bdft 5x60x20; 1 Bdft 5x60x18; 1 Bdft 5x55x20; 1 Bdft 5x60x20; 1 Bdft 5x62x22;.

Kinumpiska ang Isuzu Wing van at ang mga laman nito.

AUTHOR PROFILE