Armas1 Ang mga nakumpiskang armas at sports car sa nahuling Chinese national. Source: SPD-PIO

Chinese nat’l arestado dahil sa kontrabando

April 17, 2024 Edd Reyes 108 views

ArmasARESTADO ang dalawang Chinese national na hinihinalang miyembro ng sindikatong sangkot sa ilegal na aktibidad sa bansa matapos ang ginawang pagsalakay ng pulisya sa kanyang tinutuluyan sa Taguig City.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Regional Special Operations Group ng National Capital Region Police Office (RSOG-NCRPO) at Taguig City Police ang raid sa tinutuluyan ni Haiqiang Su, 24, sa Lavender Street, Mahogany Place 3, Brgy. Bambang, Taguig nito lamang Linggo ng alas-8 ng umaga, Abril 14, bitbit ang inilabas na search warrant ng hukuman.

Ayon kay NCRPO Director P/MGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. naglabas ng search warrant si Taguig Regional Trial Court (RTC) Vice Executive Judge Bernard Pineda Bernal ng Branch 70 nitong Abril 12, 2024 matapos may mga nagpatunay na nag-iingat ng mga ilegal na armas at iba pang uri ng kontrabando ang dayuhan.

Nasamsam sa dayuhan ang kalibre 5,56 rifle, M14 Carbine, mga bala at magazine, tatlong unit ng airsoft pistol, M16 airsoft rifle, tactical scope, dalawang granada dalawang tactical vest tactical helmet, tatlong holster iba’t-ibang uri g ID, at bandila ng China.

Bukod dito, sinabi ni Nartatez na nakumpiska rin nila sa dayuhan ang mamahaling sports car na McLauren GTR, electric SUV, sports bike at e-bike na pawang walang kaukulang papeles o dokumento.

“Nakakuha tayo ng luxury cars, meron yung electric car at mayroon yung Mc Lauren it is worth about 15-30 million. So napakamahal saan sila kukuha ng ganon, we are questioning these, dahil walang document silang naipakita. So we will be coordinating with the Bureau of Customs and to concerned agency,” pahayag ni MGen. Nartatez.

Habang isinasailalim sa imbestigasyon ang suspek, dumating sa compound ng RSOG ang isang Jerry Mari Cheng bitbit ang dalawang paper bag na naglalaman ng P3 milyong piso na kanyang ipinasa kay Zhuang Guangdong, isa ring Chinese national.

Si Zhuang ang pumasok sa tanggapan ng RSOG at inialok ang suhol na salapi sa mga pulis kapalit ang pagpapalaya sa kanyang kababayan na dahilan upang agad siyang posasan at arestuhin habang nakapuslit palabas at tuluyang nakatakas ang kasabuwat na si Cheng.

Ayon kay Nartatez, sasampahan nila ng kasong Corruption of Public Officials si Zhuang habang paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) si Haiqiang Su.

“This incident serves as a powerful testament to the steadfast dedication of our officers in upholding the rule of law and serving the public with honor and integrity. These are the kind of policemen that we need, to show our people that we can be trusted and that the NCRPO policemen are respectable and professional.” Sabi pa ng NCRPO chief.

AUTHOR PROFILE