Carla

Carla, nakaranas ng matinding pressure sa pakikipaghiwalay kay Tom

November 21, 2022 Vinia Vivar 233 views

Aminado si Carla Abellana na hindi talaga naging madali para sa kanya ang mag-open-up sa nangyaring hiwalayan nila ng dating asawang si Tom Rodriguez.

“Ang daming lumalapit para magtanong kung pwede ma-interview or magbigay ng statement,” sey niya sa kanyang tell-all-interview sa podcast ni Nelson Canlas.

“Most especially a few months back, so, of course, I completely understand kung bakit, you know, gusto lang nila basically ng answer,” aniya pa.

Ayon kay Carla, hindi pa talaga siya ready that time na magsalita.

“So honestly, at that time, talagang I wasn’t ready. I wasn’t in the right mind space or state in my life na magsasalita ako na I open up and reveal very sensitive or important information, ‘yung personal talaga,” saad ng aktres.

Ibinahagi rin niyang talagang matindi ang naramdaman niyang pressure nu’ng mga panahong ‘yun dahil feeling ng mga tao, they deserved an explanation lalo na nga ang fans nila ni Tom.

“Ayoko namang at the height of whatever event or situation magsasalita ka tapos baka may masabi kang hindi maganda or dala ng emotions mo or whatever it is you were going through that time.

“Ang hirap din naman ‘yung ganu’n na hindi mo binigyan ‘yung sarili mo ng time and, basically, kung ano man nangyayari hindi mo pa napoproseso.

“So mahirap din and we have to be, of course, careful din naman with what we say and then when we say it, mga ganu’n bagay,” paliwanag ni Carla.

“Gustuhin mo man magsalita na, ‘di ba, bugso ng damdamin mo or whatever, hindi naman din basta-basta ganu’n. Plus, ‘yun nga, tao rin kami na may emotions, may mga pinagdaraanan, may mga problema din and struggles in life.

“So, you know, because na rin nga of social media, unfortunately nawawala nga ‘yung parang fine line between public and ‘yung private na lives namin. So ‘yun, mahirap din ‘yun,” pahayag pa ng Kapuso actress.

AUTHOR PROFILE