Default Thumbnail

CAREGIVERS’ WELFARE ACT NI SENATOR JINGGOY ESTRADA

January 4, 2024 Marlon Purification 137 views

Marlon PurificationBINABATI natin si Senador Jinggoy Estrada hinggil sa pagpapatibay ng Caregivers’ Welfare Act na ipinaglaban nito sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Dahil sa RA 11965, mabibigyan na ng maayos na proteksiyon, magandang working condition, tamang benepisyo at proteksiyon kontra sa pang-aabuso na dinaranas ng ilang caregivers sa bansa.

“Isa itong malaking hakbang para matiyak na mapabuti ang kalagayan ng ating mga caregivers at mabibigyan ng proteksyon ang isang vulnerable but vigorous sektor ng ating lipunan,” ani Estrada.

Hinahangaan natin si Estrada dahil bilang chairperson ng Senate Committee on Labor, nakita natin ang pagpupursigi niya para mapagtibay ang “Caregivers’ Welfare Act.”

Sinabi ng beteranong senador na matagal nang uhaw sa tamang benepisyo at sahod ang mga caregiver sa bansa, bukod pa sa katotohanang karamihan sa kanila ay naaabuso sa trabaho.

“It is essential to protect them from any mistreatment. Caregivers are frequently undervalued and should be treated with dignity, respect, and fairness,” ani Estrada.

Bukod sa RA 11965 na nilagdaan bilang batas noong November 23, co-author at co-sponsor din si Estrada sa mga iba’t ibang panukalang batas na malapit na ring lagdaan sa Palasyo ng Malakanyang.

Ilan sa mga ito ay ang New Agrarian Emancipation Act (RA 11953), One Town, One Product (OTOP) Philippines Program (RA 11960), Automatic Income Classification of Local Government Units Act (RA 11964), Public-Private Partnership (PPP) Code of the Philippines (RA 11966), Internet Transactions Act of 2023 (RA 11967), at Cultural Mapping Law (RA 11961).

Dahil sa RA 11964, ang income classification ng LGUs ay luma na at hindi na angkop sa kasalukuyang economic conditions at overall financial status ng mga LGUs.

“For LGUs to remain dynamic and consistent, the institutionalization of the automatic income classification is a welcome development as it will improve their status and correctly reflect their financial capacity. By regularly assessing any changes in their capacity, the LGUs can formulate and direct policies accordingly and better align themselves with the national government’s financial and fiscal policies,” ani Estrada na dati ring naging mayor sa San Juan bago naging imagining na senador.

Sa kabilang dako, hiwalay ding nagbigay ng kanyang sariling bersiyon si Estrada patungkol naman sa Internet Transactions Act noong July 25, 2022. Sinabi nitong kailangan ang epektibong regulasyon para sa ‘commercial activities’ na isinasagawa sa internet upang matiyak ang karapatan at seguridad ng mga may online transactions.

“Internet transaction is inevitable in the globalized world that has entered the fourth industrial revolution where we are now in. We cannot escape or delay it. Instead, we should embrace it to optimize its benefits while guarding our economy and our people from its deceptive and unfair practices,” anang mambabatas.

Samantala, sinuportahan din ni Estrada RA 11961, na kumikilala sa kahalagahan ng record-keeping sa bansa para pahalagahan ang ng mga pamana ng bansa mula sa ating komunidad at tamang edukasyon sa mga kabataaan ngayon.

Sa OTOP Philippines Act, sinabi ni Estrada na ang batas na ito ay naglalayong i-pomote ang mga produkto at serbisyong ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na halos 99.58% na kalakaran sa buong bansa.

Dalawa pang mahahalagang batas ang naipasa at ang mga ito ay ang RA 11958 na nagtataas sa disability pension ng mga beterano at RA 11939 na nagbibigay fixed terms sa chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang dalawang banking ito ay iniakda at ini sponsor din ni Estrada bilang Chairperson ng Senate Defense Committee.