Default Thumbnail

Cagayan niyanig ng magnitude 6 na lindol

July 1, 2022 Jun I. Legaspi 243 views

YINUGYOG ng magnitude 6 na lindol ang probinsiya ng Cagayan Biyernes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs).

Ayon sa ahensiya, 2:40 a.m. ng maramdaman ang lindol ang sentro 27 kilometer southeast ng Dalupiri Island sa Calayan.

Tectonic ang origin ng lindol at 27 kilometer ang lalim nito sa lupa ayon sa agency.

Walang naitalang pinsala ayon sa Phivolcs.

Dahil sa lakas ng lindol naramdaman ang Intensity V sa mga lugar ng Aparri, Calayan sa Cagayan, Flora, Apayao, at Claveria.

Intensity IV, naman ang naramdaman sa Peñablanca, at Tuguegarao City, Cagayan, Laoag City, Pasuguin, Ilocos Norter, Gonzaga at Penablanca, at Cagayan.

Naramdaman din ang Intensity III sa Vigan City at Sinait, Ilocos Sur; Ilagan, Isabela; Intensity II naman sa Tabuk, Kalinga at Intensity 1 sa mga lugar ng Baler, Aurora; Santiago City, Isabela; Dagupan City, Pangasinan ang naramdaman, ayon sa naturang ahensiya.

AUTHOR PROFILE