Bumili ng local poultry products

August 21, 2021 Edd Reyes 93 views

HINIMOK ng mga consumers ang publiko na bumili ng local poultry products upang matulungan ang mga magsasaka at mga manukan.

Sinabi ni Rosita Magtibay, 50, nagtitinda ng mga snacks at tsaka ng mga RTW, isa sa dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ay ang patuloy na pagpapasok sa bansa ng mga imported products.

“Kaya bumabagsak ang ekonomiya dahil nag-iimport sila so, ‘yung mga local na produkto ay hindi na nakakapunta sa market. Or dahil nga nag-iimport sila ng mga… ng kahit anong produkto sa Pilipinas, ‘yung mga local na producer o mga manufacturer ay hindi na nakakabenta sa market natin sa ngayon. Dahil iniisip nila ‘pag sa import mas mura kumapara sa local na mga products,” ani Magtibay.

Bagaman tumaas ang bilihin mas nanaisin pa rin ng mga ito na bumili ng lokal at sariwang produkto kaysa sa mga imported frozen poultry. Sinabi ni Magtibay, mas pipiliin niya ang lokal na produkto dahil sariwa ito at natutulungan niya pa ang local manufacturers.

“Kasi ako kung ako ang tatanungin mo, mas gusto ko talaga ‘yung locally made products ever since mas tinatangkilik ko talaga kasi bukod du’n mas sariwa at tsaka natutulungan ko pa ‘yung mga local manufacturers sa pagbili ng mga produktong atin,” ani Magtibay.

Gayundin ang naging pahayag ng isang consumer na si Maria Jachelle Agcang, 35. Aniya wala nang sapat na sustansya ang mga frozen poultry kumpara doon sa mga sariwa.

“Ang mas binibili ko ‘yung sariwa. Kasi mas ano s’ya eh ‘yung linamnam n’ya tsaka ‘yung pagkajuicy n’ya, nu’ng manok malalasahan mo kaysa du’n sa frozen,” paliwanag niya.

“Kasi ‘yung frozen namumutla na s’ya tapos ‘yung lasa n’ya mas, alam mo ‘yung wala nang lasa. May lasa kung titimplahan mo pero kung hindi, hindi mo mararamdaman katulad nung fresh na majuicy pa s’ya. Mas malinamnam,” dagdag niya.

Ayon sa data ng National Meat Inspection Service, mas marami ang mga frozen poultry sa merkato kaysa sa mga sariwang poultry

AUTHOR PROFILE