Default Thumbnail

British nat’l tiklo sa ‘child abuse’

June 6, 2022 Gil Aman 240 views

ARESTADO ang isang British national sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cavite PFU dahil sa kasong child abuse na naganap sa lalawigan ng Cavite.

Sa ulat na natanggap ni P/Col. Marlon Santos, regional chief mula kay P/Lt. Col. Bryan Dexter Andulan, provincial chief ng CIDG Cavite PFU, ang suspek na Briton ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest mula sa Parañaque City Hall dahil sa paglabag sa Section 5 of Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Act of 1991 na inisyu ni Presiding Judge Raquel Ventura Aspiras-Sanchez, Family Court, Branch 3, Tagaytay City, Cavite noong Abril 11, 2022, na may piyansa na P800,000.

Base sa magulang ng isang biktima, ang kanyang menor de edad na anak na babae ay pumasok na kasambahay ng kinakasama ng suspek ay ginalaw din.

Hinimok pa ng suspek at pinangakuan ang biktima sa pamamagitan ng matatamis na salita na pakakasalan raw bukod sa isasama ito sa bansang England.

Tumagal pa ang lihim na relasyon ng suspek sa biktima na hindi lingid sa kaalaman ng kapatid nito magmula noong Setyembre 20, 2021 kung saan muli isinagawa ang pakikipagtalik sa loob ng kotse habang nasa isang isolated na lugar sa isang subdivision.

AUTHOR PROFILE