Alano

Boy Alano namaalam na

July 25, 2022 Aster Amoyo 1010 views

Alano1

PUMANAW na ang dating child actor-turned actor-comedian na si Boy Alano (Hernando Sotto Alano) nung nakaraang Sabado, July 23, 2022 sa edad na 81.

Bago pa man ang kanyang pagyao ay matagal na umano itong maysakit at nangailangan ng tulong pinansyal mula sa mga taga industriya. There was also a time na siya’y na-feature at natulungan ng dating public service program ni Julius Babao sa ABS-CBN, ang “Mission Possible” kung saan nakitang nakatira sa isang garahe.

Nung August 2018, ang superstar na si Nora Aunor na isa sa malalapit na kaibigan ni Boy ay nag-request sa dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na si Liza Dino na matulungan ang may sakit na veteran actor.

Sina Boy at Guy (Nora) ay nagsama sa maraming pelikula at kasama na rito ang “Tomboy Nora,” “Tell Nora I Love Her,” “Three for the Road,” “Ang Pangarap Ko’y Ikaw,” “Munting Santa” at iba pa.

Si Boy ay nagsimula sa bakuran ng Sampaguita Pictures nung 1951 nang siya’y ipakilala sa pelikulang “Roberta” na pinagbidahan ni Tessie Agana, ang tinaguriang “Shirley Temple of the Philippines”. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang kanyang movie projects sa Sampaguita kung saan siya under contract. Ilan sa mga pelikulang ginawa niya sa Sampaguita Pictures include “Anghel ng Pag-ibig,” “Rebecca,” “El Indio,” “Munting Koronel,”

“Anak ng Espada,” “Maldita,” “Musikerong Bumbong,” “Kuripot,” “Prince Charming” at “Batang Bangkusay”.

Taong 1958 naman nang manalo siyang Best Child Actor sa 5th Asian Film Festival para sa pelikulang “The Day of the Trumpet” na produced ng C.H. Santiago Film Organization.

Nakatrabaho din niya ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. sa pelikulang “Ikaw ang Mahal Ko” at iba pa maging ang comedy king na si Dolphy hindi lamang sa bakuran ng Sampaguita kundi nagsama rin sila sa TV sitcom nito sa TV5, ang “Pidol’s Wonderland”. Taong 2018 naman nang siya’y mapasama sa pelikulang “Wonder Woman,” his Hollywood film debut.

Si Boy ay nakagawa rin na ilang TV series sa bakuran ng GMA tulad ng “I Heart You Pare,” “Pilyang Kerubin,” “Maynila,” “Totoy Bato,” “Joaquin Bordado,” “Codename: Asero,” “Ful Haus,” “Mga Kuwento ni Lola Basyang” at iba pa.

Caloy

Ogag pumanaw na rin

YUMAO na rin ang veteran actor-comedian na si Caloy ‘Ogag’ Alde (Carlos Alde), ang tinaguriang “Mr. Bean ng Pilipinas” nung nakaraang Sabado, July 23 sa edad na 60. Iniwan ni Caloy ang kanyang misis na si Rhoda Porral-Alde and son na si Marley.

It was last June nang mapabalitang nagkaroon ng heart condition ang komedyante. Nagkaroon umano ito ng enlargement of the heart at nagkaroon ng tubig ang kanyang lungs.

Matagal-tagal na ring panahon na hindi naging aktibo si Caloy sa kanyang pagpapatawa laluna nung kasagsagan ng pandemya.

Si Caloy ay dating fish and egg vendor bago siya napasok sa showbiz. Nang magka-pandemya, nagtinda siya ng barbeque at nagtayo ng munting sari-sari store para maka-survive ang kanyang pamilya.

Pen

Pen tagumpay ang operasyon

NAGPAPASALAMAT ang veteran actor na si Pen Medina sa pagiging matagumpay ng kanyang spine operation kamakailan lamang. Umaasa ang actor sa unti-unti niyang paggaling para makabalik na siya sa kanyang acting job, his only source of income for his family.

It was only last July 16 nang manawagan ang kanyang mga anak ng financial help sa operasyon ng kanilang ama.

Isa si Pen sa pinakamagaling na actor sa kanyang henerasyon at marami-rami pang proyekto ang inaasahan nitong gawin kapag magaling at able na siyang magtrabahong muli.

His most recent project bago ang kanyang operasyon ay ang hit primetime TV series na “Viral Scandal” na nagtapos sa ere nung May 2022. Other recent projects include “La Vida Lena” at “A Soldier’s Heart”.

Rica muling nagka-miscarriage

KAMAKAILAN lamang ay muling nagka-miscarriage ang (dating) singer-actress-host na si Rica Peralejo. Ito bale ang pangatlong miscarriage niya sa kanyang husband of twelve years na si Joseph Bonifacio na isang pastor.

Ang mag-asawa ay may dalawang anak, sina Philip at Manu.

Since 41 na si Rica, kinabahan umano siya na hindi mabuo ang kanilang pangatlong baby na siya ngang nangyari.

Magmula nang mag-asawa si Rica in 2010 ay hinarap na nito ang pagiging full time wife to Joseph and mother to their two sons.

Alodia engaged na sa bagong boyfriend

IT was last July 23 nang ibahagi ng social media influencer, gamer and cosplayer na si Alodia Gosiengfiao ang magandang balita na siya’y engaged na sa kanyang non-showbiz businessman boyfriend na si Christopher Quimbo.

Alodia was in a long relationship with equally popular YouTuber na si Wil Dasovich na nali-link naman ngayon sa dating actress na si Carla (Madeleine) Humphries na naka-base ngayon sa Amerika.

It was only last November 2021 nang bumulaga ang balita na hiwalay na umano sina Alodia at Wil at kasunod na rito ang pagdating sa buhay ng cosplayer-vlogger-gamer na si Christopher nito lamang taon.

Samantala, si Carla or Madeleine ay ipinakilala na Wil sa kanyang pamilya, isang indikasyon na seryoso na ang relasyon ng dalawa.

Sara

Popsters tuwang-tuwa sa pagbabalik ni Sarah

AFTER more than a year ay bumalik na rin ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo sa “ASAP Natin `To” last Sunday, July 24 where she was welcomed ng kanyang mga kasamahan sa programa.

Tuwang-tuwa siyempre ang mga Popsters sa pagbabalik ng kanilang idolo sa “ASAP Natin `To” kung saan nito naipapakita ang kanyang husay hindi lamang sa pagkanta kundi maging sa pagsasayaw.

Bukod sa “ASAP Natin `To,” inaasahan din ang pagiging aktibong muli ni Sarah sa concert scene maging sa paggawa ng pelikula na matagal-tagal na ring panahong hindi niya ginagawa.

Inaasahan din ang pagtatambal nila ng kanyang mister, ang Fil-Italian singer, actor and entrepreneur na si Matteo Guidicelli sa concert maging sa pelikula.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE