Bong Go

Bong Go: Sindikato sa quarantine violation, silipin

January 2, 2022 People's Journal 286 views

Bong Go1LUBHANG ikinabahala ni Senator Christopher “Bong” Go ang report na isang hotel sa Makati City ang umano’y pinahintulutang makalabas sa ilalim ng mandatory quarantine ang isang indibidwal para lang makipag-party sa isang local bar sa lungsod noong Disyembre 23.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, hiniling ni Go ang masusing imbestigasyon sa nasabing insidente.

Pinuri naman niya ang Departrment of Tourism at iba pang ahensiya sa kanilang mabilis na aksyon sa isyu.

Umapela naman siya sa Department of Justice at National Bureau of Investigation na alaming mabuti kung may kuikilos na sindikakto na pumapayag na makalabas ang mga indibidwal na nasa mandatory quarantine kapalit ng salapi.

“Kaya dapat tingnan din kung meron bang modus operandi, mula sa mga paliparan hanggang sa mga quarantine facilities,” ani Go.

“Kasuhan kung kinakailangan at parusahan na naaayon sa ating batas,”

Ipinasisilip din ni Go kung ano ang mga posibleng maging pananagutan ng hotel at ipataw dito ang kaukulang parusa.

“Hindi natin pinapalampas ang mga ganitong klaseng gawain,” ayon sa senador.

Sinabi ni Go na hindi biro ang kinakaharap nating pandemya at napakalaki na ng nagastos ng gobyerno sa ating COVID-19 response.

“Lalo na ngayon, ayon sa pinakahuling ulat, na umakyat na naman ang positivity rate ng COVID-19 sa NCR at 14%. Posibleng magdulot ito ng muling pagtaas ng bilang ng mga kaso sa buong bansa,” anang mambabatas.

Idiniin ni Go na dapat ay walang pabor-pabor pagdating sa regulasyon kahit taga-gobyerno o maraming perang pambayad.

AUTHOR PROFILE