South Biyaheng South with Ria and Kiko. Photo courtesy of CALAX

‘Biyaheng South’ vlog inilunsad para ibida Calabarzon tourism

June 9, 2022 Jun I. Legaspi 149 views

NAKIPAG-partner ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), sa Department of Interior and Local Government Region IV-A (DILG IV-A) para ibida ang mga tourists destinations sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Sa pamamagitan ng digital tourism page ng MPT South na Biyaheng South, ipinalabas ng toll road company ang kauna-unahang “vlog” nito kasama ang DILG IV-A kung saan tinahak nito ang probinsya ng Laguna at Cavite, na popular sa kanilang mga hot spring resorts at historic towns, via Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Sa unang trip nito, bumisita ang team sa Southpick Resort and Hotel sa Santa Rosa, Laguna at sinubukan ang iba’t-ibang activities dito tulad ng billiards, arcarde, basketball, KTV, at swimming.

Ipinakita rin sa vlog ang virtual tour ng hotel rooms at resort amenities na may minimalist na disenyo.

“Sinusuportahan ng Biyaheng South ang gobyerno sa pagsulong ng turismo sa bansa gamit ang makabagong teknolohiya para pasiglahin ang socio-economic activities sa Calabarzon.

Nagpapasalamat rin kami sa DILG IV-A sa pagsama sa first vlog ng Biyaheng South at kami rin ay umaasa na makapag-collaborate pa sa aming mga susunod na ilalabas,” ani Arlette V. Capistrano, Assistant Vice President for Communication at Stakeholder Management ng MPT South.

“DILG IV-A Regional Director Ariel O. Iglesia affirms that DILG IV-A is in full hopes that through its partnership with MPT South, the local governments and their constituents foster the value of sustainable tourism, nurture Calabarzon’s heritage, and take advantage of what this may bring to the prosperity of their economic activities,” pahayag ng DILG IV-A.

Mapapanood ang 10-minute vlog sa Facebook page ng Biyaheng South (facebook.com/biyahengsouth) at DILG IV-A (facebook.com/dilg4a) pati sa YouTube.

Ang Biyaheng South ay isang community page ng MPT South para sa mga food and travel enthusiast kung saan itinatampok dito ang mga lumalagong tourist destinations, attractions, at cozy spots sa Calabarzon region na mararating gamit ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX), Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), at CAVITEX C5 Link. Mayroon itong mahigit 4,500 followers sa Facebook at 13,000 naman sa TikTok.

Para sa mas marami pang travel tips sa South, sundan din ang Biyaheng South @biyahengsouth sa Facebook at TikTok.

AUTHOR PROFILE