Azi

Bida ng ‘Pamasahe,’ bet mag-ala-Ate Guy

November 15, 2022 Ian F. Fariñas 2752 views

KUNG ang cult director na si Roman Perez Jr. ang tatanungin, malaki ang tiwala niya na makakasungkit ng acting award ang baguhang si Azi Acosta, bida sa latest directorial job niyang Pamasahe, pagtagal-tagal nito sa showbiz.

Sa virtual mediacon para sa nasabing Vivamax Original Movie na mapapanood simula December 9, sinabi naman ng former model-turned-actress na bet niyang sundan ang mga yapak ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Siyempre, honored at flattered din si Azi sa mga papuring ibinigay ni Direk Roman sa kanya.

Malaki raw ang pasasalamat niya na ito ang humawak sa unang pelikula na pinagbibidahan niya.

Actually, unang nagkatrabaho sina Azi at Direk Roman sa Sitio Diablo at Ang Babaeng Nawawala sa Sarili na tinampukan ng Viva Ultimate Crushes na sina AJ Raval at Ayanna Misola, respectively.

Anang direktor, intelihenteng artista si Azi, bata, fresh at may resemblance kina Joyce Jimenez at Alice Dixson sa ilang anggulo.

Pareho raw sila ng naging choice ni Viva Boss Vic del Rosario nang kina-cast ang bida ng Pamasahe.

“Talent pa lang s’yan nu’n, pero nasa Viva roster na siya,” kwento ni Direk Roman.

Sa workshop pa lang daw, nakita na ng direktor ang kakaibang magic ng dalaga at naniniwala siya na si Azi ang parang future ng Vivamax.

Dagdag ni Direk Roman, “Bilang baguhan, parang hindi siya baguhan. Lamang siya sa mga ka-batch niya. Para siyang si Judy Ann (Santos) nu’ng bata. Judy Ann na nagseseksi. Medyo matapang siya, ready sa erotic scenes, pero ‘pag drama, ang tapang ng mata, intense, pagdating sa set, in character na siya. Ibang prototype siya ng Vivamax girls, eh. Iba, iba siya.”

Anyway, nasa cast din ng Pamasahe sina Mark Anthony Fernandez, Rash Flores, Felix Roco, AJ Oteyza at Chad Solano.

AUTHOR PROFILE