Carla

Carla nananatiling in pain, ’di kayang kausapin si Tom

November 15, 2022 Vinia Vivar 332 views

Inamin ni Carla Abellana na hindi pa nagsi-sink-in sa kanya na divorced na sila ni Tom Rodriguez.

“Number one kasi, divorce doesn’t exist in the Philippines. Dahil ang foreign ng divorce and wala kasi sa atin, hindi pina-practice dito, parang hindi pa siya fully nagsi-sink-in,” pahayag ni Carla sa exclusive interview ni Nelson Canlas for Updated With Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras Weekend.

“Siguro, mas doon pa siya magsi-sink-in ‘pag siguro ‘yung dito na naproseso or dito na naasikaso at na-recognize na siya ng Philippine court,” patuloy ng Kapuso actress.

Asked if she’s still in pain, she quickly answered, “Oo, definitely. I won’t even hesitate to answer and say yes, definitely. But ang pain kasi doesn’t disappear overnight. Gustuhin mo mang mawala na ‘yung pain, it’s in a way something you cannot control.”

Sinabi rin ng aktres na talagang niri-recognize niya naman na nandiyan pa rin ang pain talaga.

“Definitely, nandiyan pa siya. Ayoko namang sabihin na wala, kasi hindi rin too ‘yun, so definitely, nandiyan ‘yan. Matagal pa ‘yang proseso,” aniya.

Sinagot din ni Carala ang tanong kung nag-reach out ba si Tom sa kanya at aniya, hindi.

“The last time na nakita ko siya was in February, but since then, no,” she said.

Matatandaang naghiwalay sina Carla at Tom ng Marso nitong taong ito.

Asked kung may love pa ba siya kay Tom, natatawang sambit ni Carla, “Oh, my gosh, wow, hot seat ito!”

Ayon sa aktres, hindi niya ito masasagot ng “yes” or “no.”

“Like I said, ‘yung love naman, hindi siya nagdi-disappear or parang hindi mo nababawasan nang kusa,” she said.

Kapag tumawag ba sa kanya si Tom, sasagutin niya?

“Hindi, hindi muna. At this point, parang hindi ko kakayanin. If ever he calls, hindi ko kakayanin na kausapin siya,” aniya.

Sa ngayon daw ay hindi pa niya makita ang kanyang puso pero alam niyang dapat niya itong alagaan.

“Hindi ko alam kung nasaan ‘yung heart ko, nawawala,” natatawa niyang sabi.

“Sa dami na ng pinagdaanan ng puso ko, dapat alagaan, parang ganu’n. So, inaalagaan ko, inaalagaan ko ‘yung sarili kong heart,” sey niya.

At ngayon, aniya, iba na ang Carla na nakikita natin.

“I agree na siyempre ‘yung Carla today, hindi naman same ng Carla a few months back or Carla last year, ‘yung mga ganu’ng bagay. Of course, magkaiba ‘yun.

“Magkaibang time, magkaibang senaryo, situation, you know, state of self, ‘yung ganu’n, even the mind,” pahayag ng Kapuso actress.

AUTHOR PROFILE