Ruru

Bianca, nagpa-convert sa Iglesia ni Cristo

September 5, 2022 Vinia Vivar 505 views

Mukhang papunta na sa kasalan ang relasyong Ruru Madrid and Bianca Umali dahil nagpa-convert ang aktres sa Iglesia ni Cristo, ang relihiyon ng boyfriend.

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Ruru sa vlog na Toni Talks, naibahagi ng aktor ang hirap ng proseso na pinagdaanan ni Bianca para maging INC member.

“Bago ka po maging Iglesia ni Cristo, it will take time talaga. Before ka maging INC, eight months. So, kailangan mong aralin ‘yung 25 lessons, and then after that, kailangan mo pang mag… ’yung tinatawag namin na ‘sinusubok.’

“Du’n kailangang hindi ka maka-miss ng kahit na isang pagsamba. Kailangan mong makapunta du’n sa mga tinatawag namin na mga ‘pulong.’ Na lahat ‘yun, dapat makumpleto mo.

“For her kasi, inaral po muna niya ‘yan, same rin with me,” kwento ng bida ng Kapuso series na Lolong.

Pero ‘di naman niya masasabing dahil sa kanya kaya nagpa-convert si Bianca.

“Parang somehow, hindi ko masasabi na just because of me kaya niya ginawa ‘yun,” aniya.

Pero aminado siyang napakalaking step, kumbaga, ang ginawa ng girlfriend na pagpapa-convert at nagpapakita ito ng commitment nito sa kanilang relasyon.

Asked kung si Bianca na ba ang maituturing niyang “the one” for him, mabilis na yes ang sagot ni Ruru.

Aniya, nasa GF na ang lahat ng katangiang gusto niya sa isang babae.

Samantala, masayang-masaya si Ruru sa mataas na ratings and positive feedbacks na natatanggap ng Lolong.

“Ang sarap lang sa puso. Hindi ko mapigilang maging emotional every time na pinag-uusapan ‘yung Lolong or ‘yung show na ‘yan kasi iba ‘yung hirap na pinagdaanan, hindi lang po ako, I mean, sa lahat ng taong bumubuo ng show,” sey ni Ruru.

AUTHOR PROFILE