Bianca

Bianca iniyakan ang pagiging Sang’gre

March 12, 2024 Vinia Vivar 99 views

Hindi pa rin makapaniwala si Bianca Umali na kabilang siya sa mga bagong Sang’gre na magbibida sa inaabangang fantaserye ng GMA-7 na “Encantandia Chronicles: Sang’gre.”

Ayon kay Bianca, three years ago pa ito sinabi sa kanya pero hindi niya pa ma-disclose hangga’t wala pang announcement ang GMA.

“After three years of hiding it parang umikot ‘yung buhay ko, 360,” sey ng aktres sa panayam ng GMA para sa Kapuso Profiles.

“Noong na-announce na ‘yung Sang’gre I think hindi ko na mabilang kung ilan ‘yung crying photos ko na lumabas. Like in every event, in every interview palaging may crying photo, siguro kasi Encantadia is such a huge project of GMA, it’s a different world,” sey ni Bianca.

“To be given the opportunity to be one of the Sang’gres itself, it’s very overwhelming. To the point na first time kong maramdaman na nakaka-pressure s’ya ng bongga. Na hindi ko alam kung paano ko iha-handle pero ‘thank you, Lord,’ ganoon ‘yung feeling,” she added.

“Hanggang ngayon hindi pa rin s’ya nagsi-sink-in that I am here. Pero Sang’gre I will say iba,” aniya pa.

Sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” ay gagampanan ni Bianca ang karakter ni Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.

Makakasama niya ang tatlo pang bagong henerasyon ng mga Sang’gre at sina Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith da Silva bilang Flamarra at Angel Guardian bilang Deia.

AUTHOR PROFILE