Bela

Bela, ikinukumpara kay Coco

February 26, 2022 Vinia Vivar 352 views

Simula nang nag-pandemic, first time na humarap ni Bela Padilla sa isang virtual media conference last Thursday. Ito ay para sa pelikulang 366 na directorial debut niya at siya rin ang bida with Zanjoe Marudo and JC Santos.

Sey nga ng aktres na kasalukuyang nasa London, iba raw pala ang mediacon sa Zoom.

“Feeling ko, nag-screening ako today ng Bb. Pilipinas,” natatawa niyang sabi.

Bukod sa pagiging lead star at direktor ng 366, si Bela rin ang sumulat ng script ng pelikula.

Natanong nga siya sa mediacon kung lume-level na ba siya kay Coco Martin sa ganitong linya.

“Ang cute naman nu’n,” natatawang wika ni Bela. “That is very sweet. Maraming salamat. Coco is a very, very talented person. Bukod sa pagiging actor-director, kahit noong umpisa pa lang ng Probinsyano noong nando’n pa ‘ko, siya rin ang nagko-conceptualize ng maraming plot ng Probinsyano.

“So, he’s really a creative force, I guess, in his generation, in his world. So, I’m very happy for him and I’m very proud of him.

“I think, malayo pa ‘yung kailangan kong tahakin para masabing ka-level ko si Coco. Kasi, Coco na ‘yan, eh. ’Pag umabot na po ako sa sweldo ni Coco, masasabi ko na talaga na ka-level ko na siya,” she said.

Pero siyempre, masaya siya na maikumpara kay Coco pero magkaiba raw ang ginagawa nila.

“Hindi ko kayang magdirek ng action, I cannot come up with action scenes. And I guess, in the same way, baka there are things naman na I can do na hindi naman kaya ni Coco.

“So, we’re very different also,” sey ni Bela.

Taong 2019 pa nang matapos ni Bela ang script ng 366 and originally ay hindi siya ang bida ng pelikula at ididirehe lang niya,

She revealed na ang kinukuha nga raw niya na lead actress ay si Liza Soberano.

“I even came to a point na I asked for her schedule already. She was doing a TV show at that time also. I think it was Make it with You. So, yeah, I inquired for Liza Soberano,” she said.

Pero nangyari na nga ang pandemic kaya hindi na nila nakuha si Liza at na-delay na rin ang filming.

“I had to do major revisions for the script,” aniya.

Asked kung may plano pa siyang bumalik ng ’Pinas, ani Bela ay uuwi siya ngayong Abril para mag-promote ng 366 at tatapusin din daw niya ang shooting ng pelikulang Spellbound with Marco Gumabao. Pagkatapos nito ay babalik din daw siya sa London.

Streaming na sa Vivamax ang 366 sa April 22.

AUTHOR PROFILE