Pepe1

Ang buhay ni Pepe

February 27, 2022 Aster Amoyo 585 views

Papa PiSIMULA sa darating na Sabado, March 5 at 7 p.m. ay mapapanood na ang bagong sitcom ng ABS-CBN, ang “My Papa Pi” kung saan mga pangunahing bituin ay sina Piolo Pascual, Pia Wurtzbach at Pepe Herrera na pinamamahalaan ng hit TV and movie director na si Cathy Garcia-Molina. Ang nakakatuwa, kambal na magkapatid ang papel nina Piolo at Pepe bilang sina Pipoy at Popoy na magkakagusto sa iisang babae, ang character ni Pia. Ang nasabing sitcom ang magsisilbing first lead role ni Pepe who started his TV career in 2014 sa pamamagitan ng hit TV series na “Forevermore” na tinampukan ng magkasintahan na ngayong sina Liza Soberano at Enrique Gil at dinirek ni Direk Cathy.

Ang “My Papa Pi” ay magsisilbing TV reunion nina Pepe at Direk Cathy after almost eight years at first time naman katrabaho ng singer, stage, TV and movie actor-comedian sina Piolo at Pia.

Nagmarka rin ang presence ni Pepe nang ito’y maging bahagi ng top-rating and longest-running primetime action-drama series na “FPJ’s Ang P:robinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na isa rin sa tumatayong director ng serye.

Nagbida rin si Pepe sa pelikulang “The Hopeful Romantic” na pinagtambalan nila ni Ritz Azul na dinirek ni Topel Lee under Regal Entertainment in September 2018. Kasama rin siya sa main cast ng hit musical stage play na “Rak of Aegis” na pinagsamahan nila nina Aicelle Santos, Isay Alvarez, Robert Sena at iba pa.

Bago pa man pinasok ni Pepe ang TV and movie acting ay isa na siyang singer and stage play actor.

Nung estudyante pa siya sa University of Santo Tomas kung saan siya nagtapos ng Conservatory of Music ay naging miyembro siya noon sa choral group ng nasabing unibersidad. Naging music teacher din siya bago niya pinasok ang kanyang acting profession. Nagtrabaho rin siya noon sa isang cruise ship bilang waiter at singer.

Si Pepe ay Jose Nicolas Emmanuel Herrera sa tunay na buhay. Teacher ang kanyang ina at government employee naman ang kanyang ama.

At a young age ay nakakitaan na siya sa kanyang hilig sa pagkanta kaya it was his mother who encouraged him to take up music in college na kanya namang sinunod. Although singing will always be his first love, acting came next na kanyang ipinagpapasalamat dahil acting is also a form of art.

Ang non-showbiz partner ni Pepe na si Sarah Mallari is into visual arts. The couple has a daughter na si Pay (Maria Laya Payapa Mallari Herrera) turning two on June 14.

BelaBela babalik muna ng Pilipinas

IT was in 2018 nang makilala ng Filipino-British actress, writer, producer,film director and Viva talent na ri Bela Padilla (Krista Elyse Hidalgo Sullivan) ang kanyang present boyfriend, ang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay habang sinu-shoot niya ang pelkulang “Meet Me in St. Gallen” in Switzerland opposite Carlo Aquino at pinamahalaan ni Irene Villamor.

Although the couple is into LDR (long distance relationship), mas kumportable ngayon si Norman when Bela decided to move to London during the start of the pandemic dahil mas malapit ito di hamak kesa sa Pilipinas where the actress was previously based.

Ayon sa actress, hindi umano problema sa kanya kahit sa London siya naka-base ngayon dahil puwede naman daw siya bumalik ng Pilipinas kung may bago siyang project na gagawin.

He is scheduled to return to Manila this April to help promote her directorial debut na “366” which she stars, written and directed kasama sina Zanjoe Marudo at JC Santos as her leading men na may ilang beses na rin niyang nakatrabaho in the past.

Ayon sa actress, writer at director, first choice umano niya ang young Kapamilya star na si Liza Soberano for her role in the movie pero nagkataon naman na hindi ito available at that time kaya siya na rin ang gumanap.

Malaking challenge kay Bela ang pelikulang “366” because she wears different hats sa nasabing proyekto.

Sa kanyang pagbabalik ng Pilipinas this April, tatapusin din niya ang mga natitira pa niyang scenes sa local remake ng K-movie na “Spellbound” na pinagtatambalan nila ni Marco Gumabao with Rhen Escano at iba pa na pinamamahalaan ni Thop Nazareno under Viva Films.

Samantala, ang “366” ay mapapanood on Vivamax streaming app sa April 22, 2022.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE