Beadom

Bea at Dominic, dinaig ang relasyong Carla at Tom

February 7, 2024 Jun Nardo 187 views

RECORD-BREAKER sa showbiz ang relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Naunsyami talaga ang kasal nila matapos ang engagement at walang kasalang magaganap ngayong 2024.

Dinaig nina Bea at Dom ang relasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Sa pangyayaring ito, pawang ispekulasyon ang sinasabing dahilan.

Sa palagay namin, mas lamang ang rason na magkaibang kasi ang estado sa buhay ng dalawa.

Mas sikat na artista si Bea habang si Dom, eh, wala kaming project na nababalitaan.

Obvously, mas mayaman si Bea kumpara kay Dom dahil ang aktres, may bahay pa sa Spain, huh!

May may sidelight sa naglabasang “manipulative bad boi” post at may mga sumawsawsaw nang iba.

Kung naaawa kami kay Dom na parang rebound BF, we pity Bea, too, na matapos ma-ghosting ni Gerald Anderson, ‘eto at hindi naman natuloy ang kasal!

Sa lahat ng nangyari, tanging sina Bea at Dom lamang ang nakakaalam dahil ayaw naming tanungin si Manay Lolit Solis, huh!

AUTHOR PROFILE