Bong Revilla

Sen. Bong, tatakbo para sa re-election

February 7, 2024 Jun Nardo 131 views

LUBOS ang pasasalamat ni Senator Bong Revilla Jr. sa GMA Network dahil binigyan siya ng kalayaan upang isagawa ang maaaksyong eksena sa TV series niyang Walang Matinik na Pulis sa Matigas na Misis.

Halatang inspirado si Sen. Bong sa paggawa ng sitcom dahil pampelikula ang dating nito na na-miss niyang gawin.

Huling buhos sa TV ng senador ang sitcom dahil muli siyang tatakbo sa eleksyon next year.

“Senador pa rin ako at hindi ibang posisyon,” sambit niya.

Kaya naman ‘yung balitang movie na pagsasamahan nila nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, tikom pa ang bibig ng senador/aktor.

“Hintayin na lang muna natin. Baka hindi matuloy kaya abangan na lang ninyo,” bulalas ni Sen. Bong.

AUTHOR PROFILE