Default Thumbnail

Batangas Capitol, nagsagawa ng joint full council meeting

June 3, 2023 Jojo C. Magsombol 194 views

SI Batangas Governor Dodo Mandanas ay nagpaalala na mahalagang mailagay ang lahat ng mga proposed projects sa Annual Investment Plan (AIP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para mabigyan ng kaukulang budget.

Bahagi ito ng ipinaabot na mensahe ng gobernador sa isinagawang “joint full council meeting” ng Provincial Development Council (PDC), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at Provincial Peace and Order Council (PPOC) sa Provincial Auditorium sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas noong ika-2 ng Hunyo 2023.

Kabilang sa nailatag na mga mungkahing proyekto ay kaugnay ng social services, peace and order and safety management, at community development.

Nabigyan din ng karagdagang pondo ang mga economic services na nakatuon sa mga programang pang-agrikultura, kapaligiran at likas yaman, at turismo.

Nilinaw naman ng gobernador na ang mga natalakay na proposed budget, na may kabuang halaga na P8 milyon, ay karagdagan lamang o “supplemental” para sa taong 2023.

Nabuksan din sa pagpupulong ang pagtugon ng pamahalaang panlalawigan sa isyu ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. sa bayan ng Nasugbu.

Iniulat sa konseho na nakikipag-ugnayan ang lalawigan sa pagbibigay ayuda at tugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong magtatanim ng tubo.

Kaugnay nito, nagkaroon ng mungkahi na isama sa AIP supplemental budget ang budget para sa pagtulong sa samahan ng mga magtatanim ng tubo.

Bilang pagtugon naman sa hamon ng climate change, at ang inaasahang El Niño phenomenon, inihahanda na ang mga proyekto ng hanay ng PDRRMC. Inilatag din sa konseho ng Batangas PDRRMO ang mga panukala sa utilisasyon ng ng disaster management fund para sa taong 2023.

Sa hanay ng POC, tinalakay ang kasalukayang peace and order situation sa lalawigan na inihanda ng Philippine National Police Batangas Provincial O5ce, habang naghain din ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas Province ng mga mungkahi na bubuo ng Batangas POC Provincial Audit Team.

AUTHOR PROFILE