Default Thumbnail

Bataan, NZ firm nag-deal para sa efficient, hi-tech services

April 20, 2024 Christian D. Supnad 67 views

NAKIPAGKASUNDO si Gov. Joet Garcia sa dayuhang kompanya para sa bagong programang na tutulong para maging episyente at hi-tech ang serbisyo ng pamahalaang panlalawigan sa mga Bataeños.

Tinukoy ni Gov. Garcia ang deal ng Bataan kay Wayne Mulligan, director ng Creative HQ Limited, para sa GovTech Accelerator Programme na ikinasa noong Abril 1 sa Fairmont Hotel na sinaksihan ni New Zealand Prime Minister Christopher Luxon.

“Layuning ng GovTech Accelerator Programme ng Creative HQ Limited na makapaglingkod ng mas mahusay sa mamamayan sa pamamagitan ng paglikha ng isang sistema na may mas epektibong solusyon, programa at patakaran para sa mga hamon at isyung kinakaharap ng iba’t-ibang pambansa at lokal na pamahalaan,” ayon sa gobernador.

Sa ilalim ng programa, “nais po nating paigtingin ang mga programa at patakarang ibababa ng pamahalaang panlalawigan batay sa datos na ating nakakalap sa isinasagawang Community-Based Monitoring System at makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo sa bawat Bataeño.”