Crime

Babaeng Grade 8 student binoga sa Batangas, utas

April 20, 2024 Jojo C. Magsombol 31 views

PATAY noong Miyerkules ang babaeng grade 8 na estudyante ng barilin ng hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Brgy. Banyaga, Agoncillo, Batangas.

Kinilala ni Agoncillo police station chief P/Maj. Broderick Noprada ang pinatay na si alyas Jenny, Grade 8 student ng Banyaga National High School at residente ng Agoncillo, Batangas.

Isang tawag sa telepono ang natanggap ng mga pulis tungkol sa pamamaril sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas-6:00 ng umaga papasok na sana ang biktima sa paaralan nang biglang dumating ang naka-motor na suspek at binaril siya ng isang beses sa hindi malamang dahilan na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang direksyon. Kasalukuyang nasa hot pursuit operation ang mga intelligence operatives ng Agoncillo police para madakip ang suspek.

Hindi sinabi sa report kung may mga nakasaksi ng barilin ang bata.

AUTHOR PROFILE