Posas

Rape suspek nahuli sa Tuy

April 20, 2024 Jojo C. Magsombol 42 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nahuli noong Huwebes ang suspek sa panghahalay sa Brgy. Luna, Tuy, Batangas, ayon kay Batangas police director P/Col. Samson Belmonte.

Magsasaka at residente ng Brgy. Matipok, Calaca City, Batangas ang 47-anyos na akusado, ayon sa mga pulis.

Nahuli ang suspek na akusado ng rape at lascivious conduct bandang alas-2:45 ng hapon ng mga pulis ng Tuy Municipal Police Station kasama ang iba pang law enforcement agencies ng Batangas.

Kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Tuy police ang nasakote.

AUTHOR PROFILE