JV

Ban sa e-bikes, e-scooters sa major roads pinaboran

February 29, 2024 PS Jun M. Sarmiento 138 views

SUPORTADO ni Sen. Joseph Victor JV Ejercito ang panukala na i-ban ang mga e-scooters at e-trikes sa mga major na daan sa National Capital Region.

“Sa totoo lang po it is really dangerous for e-trikes and scooters to occupy main road specially our national road.

Na notice po natin na ginagamit itong pang sundo, pang kalakal at pang hatid ng mga bata at sobrang nakakatakot tingnan dahil napaka gaan ng ganitong sasakyan,” sabi ng senador.

Maliwanag aniyang nakasaad sa resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) ang desisyon ng mfga Metro Manila mayors na dapat ng kontrolin, i- regulate at magbigay ng karampatan bayad bilang parusa sa mga scooters, e-bikes rider at e-trikes riders upang mabigyan ng proteksyon ang mga nasabing mananakay.

Ayon sa napagkasunduan, ban sa mga sumusunod na kalye ang mga e-bikes at e-scooters: Recto Avenue, Quirino Avenue, Araneta Avenue, Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), Katipunan/CP Garcia, Southeast Metro Manila Expressway, Roxas Boulevard, Taft Avenue, South Luzon Expressway, Shaw Boulevard, Ortigas Avenue, Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard, Quezon Avenue/Commonwealth Avenue, A. Bonifacio Avenue, Rizal Avenue, Delpan/Marcos Highway/McArthur Highway, Elliptical Road, Mindanao Avenue at Marcos Highway.