Bakuna vs COVID susi sa panalo ng turismo

February 20, 2022 Bernard Galang 120 views

HIKAYATIN ng TURISMO Isulong Mo ang mga kapamilya, kaibigan at mga katrabaho na magpabakuna kontra Covid-19.

Ito ang panawagan ng sektor ng Turismo sa mga kababayang Pilipino upang makamit ng sambayanan ang herd immunity at mapanatili sa low-risk level of Covid-19 transmission ang bansa sa pagbubukas nito sa international tourism.

Ayon kay Wanda Tulfo-Teo, dating secretary ng Department of Tourism (DOT) at 1st nominee ng Turismo Isulong Mo Partylist (#156 TURISMO), iiral na ang new normal at hindi na kakailanganin ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga darating na mga buwan.

Ang TURISMO ay #156 sa balota ay nagnanais na katawanin ang sektor ng turismo sa susunod na Kongreso para isulong ang mga benepisyo at protektahan ang mga karapatan at interes ng tourism workers at iba pang stakeholders.

Pinapurihan ng Teo ang pamahalaan sa pagbabakuna ng mahigit 62 milyong Pilipino o halos 57 porsiyento ng 110 milyong populasyon ng bansa at inaasahan ang 100 porsiyentong immunization sa kasalukuyang taon.

Ani Teo, malaking tulong ang pagbabalik ng industriya ng Turismo partikular na ang pagbubukas ng mga ecological parks at farm resorts sa iba’t-ibang lokalidad na siyang ligtas at maka-kalusugan na alternatibong tourist sites for family adventure at fun activities.

Ang tourism industry ay isang isa sa magiging major contributor sa pagbangon ng ekonomiya na bumagsak sa nakaraang dalawang taon, pagsisiguro ni Teo.

CAMP Olivas, City of San Fernando, Pampanga — A most wanted fugitive, who was hiding for 13 years, was finally arrested on Saturday by the Nueva Ecija police.

Members of the RIU3 together with RIU14, Gapan City police, Nueva Ecija PPO, RID3, Alfonso Lista police, 22nd SAC, 2SAC arrested Romulo Garcia alias Mulong, 72, of Barangay San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija, for rape based on a warrant issued by the Alfonso Lista, Ifugao RTC in 2009 with no bail recommended.

Garcia was one of the national most wanted persons of the Department of Interior and Local Government with a P90,000 reward for his arrest.

“We are continuously stepping up our campaign to eradicate all forms of crimes in the region,” PRO3 director Brig. Gen. Matthew Baccay said.

AUTHOR PROFILE