Fire

Bahay sa Cabanatuan nasunog

October 27, 2023 Steve A. Gosuico 234 views

CABANATUAN CITY–Tinupok ng apoy na dahil daw sa faulty electrical wiring ang isang bahay sa syudad na ito nong Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat, naabo ang bahay ni Petronilo Mesina, 49, ng Macapagal St., Purok Rhodora, Bgy. Mayapyap Sur, Cabanatuan City.

Naganap ang sunog alas-9:06 ng gabi matapos makarinig ang may-ari ng electrical shock na nagmumula sa kisame ng bahay.

Naapula ang apoy dakong 9:45 ng gabi. Tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng pinsala dahil sa sunog.

Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa sunog.

AUTHOR PROFILE