Default Thumbnail

Bahay na gawa sa light materials tinupok ng apoy

March 19, 2024 Jonjon Reyes 81 views

UMUUSOK pa at hindi pa napapatay ang sunog sa isang residential area sa Benita St. sa Tondo, Maynila noong hapon ng Martes.

Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection, fire under control pa rin ang sunog at hindi pa fireout kaya patuloy ang pagsisikap ng mga bumbero para mapatay ang apoy.

Nagsimula ang sunog sa Brgy. 186, Gagalangin, Tondo dakong ala-1:53 ng madaling araw at inakyat sa ikalawang alarma dahil gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay.

Pito ang naitalang sugatan sa sunog kabilang ang tatlong BFP member, dalawang fire volunteers at dalawang sibilyan.

Ayon sa ilang residente sa lugar, muling nagliliyab ang apoy sa ilang bahagi ng mga natupok na kabahayan dahilan para tumagal ang sunog .

Nasunog ang mga tela sa pabrika kaya lumala ang apoy.

AUTHOR PROFILE