Default Thumbnail

QC school binulabog ng bomb threats

March 19, 2024 Melnie Ragasa-limena 166 views

DALAWANG magkasunod na araw na binulabog ng bomb threat ang Claret School sa Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD)- Station 9, dakong alas-6:05 ng umaga nang makatanggap ng tawag si Father Mauricio Ulep, School Director and Christian Timothy Sia, HR head, tungkol sa bomb threat.

May sasabog umanong bomba sa Claret School na matatagpuan sa Mahinhin St., Brgy. UP Village Diliman Quezon City.

Agad namang nagtungo si PCpl Paolo Louix V Castillo at nagnegatibo naman ang bomba. Lunes nang umaga ng makatanggap uli ng tawag ang Claret School.

Wala ring natagpuang mga bomba o panganib sa lugar subalit pansamantalang sinuspinde ang klase.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung saan galing ang tawag.