JJASGH Pinangunahan nina Manila Vice Mayor John Marvin Yul Servo Nieto, Dr. Merle D. Sacdalan-Faustino ng Justice Jose Abad Santos General Hospital, Nelson A. Guevarra, barangay chairman, Jefferson Lau, Jaime Ching at Sherwin Tan, kasama ang Group of Lawful Friends, ang ribbon-cutting ceremony para sa pagbibigay ng mga tents sa nasabing ospital. Kuha ni JON-JON REYES

Bagong tents handog para sa mga pasyente ng JJASGH

August 18, 2022 Jonjon Reyes 438 views

LUBOS ang pasasalamat at ikinagalak ng mga bumubuo ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang donasyon para sa Out-Patient Department (OPD) ng mga bagong tent na malaking tulong para sa mga pasyente ng ospital.

Sa isang simpleng turnover ceremony nitong Miyerkules ng umaga sa nasabing ospital sa Binondo, Maynila, pinaunlakan nina Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, Dr. Merle Sacdalan Faustino ng JJASGH kasama sina Bgy. Chairman Nelson A. Guevarra, Jefferson Lau, Jaime Ching, at Sherwin Tan ang pormal na pagbibigay ng mga tent para sa OPD.

Nagpasalamat rin si Vice Mayor Yul Servo Nieto sa lahat ng mga medical frontliners at sa mga Filipino-Chinese na walang sawang sumuporta sa Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE