Carla

Bagong tattoo, ibinuyangyang sa vlog ni Carla

February 7, 2022 People's Tonight 139 views

HINAHANAP ng fans at netizens si Tom Rodriguez kay Carla Abellana nang magbalik sa vlogging nitong nakaraang mga araw.

Sa bagong vlog ni Carla, ipinakita niya ang isang tattoo na Ipinalagay niya sa bandang itaas ng kanyang kaliwang tainga.

Ayon kay Carla sa vlog, hindi naman daw masakit ang paglagay sa kanya ng tattoo. Hindi nga lang siya nagsabi kung ano ang dahilan ng paglalagay niya ng tattoo.

Sa comments section, ang komento ng ilang fans ay kasama sana si Tom sa vlog.

Hanggang ngayon, nahihiwagaan pa rin ang fans ng Tom-Car sa diumano’y paghihiwalay nila, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE