Claudia

Claudia at Because, nag-collab

February 7, 2022 People's Tonight 178 views

PINILI ng singer na si Claudia ang rapper na si Because para sa collab nilang Everything mula sa Viva Records dahil feeling niya, “I could easily collaborate with him.”

Ayon kay Claudia, agad silang nag-swak ni Because sa una pa lang nilang pagkikita in person.

“We worked and recorded everything during that day,” saad pa niya.

Todo papuri si Claudia kay Because.

“He’s one of the most talented people I’ve met so far and he writes and raps with such ease, it’s so inspiring,” sey pa niya.

Bukod sa pagkanta, nag-aaral din ngayon si Claudia.

“I am really with Psychology so this is another interest I would like to develop further,” rason niya.

Expect more from Claudia x Because at iba pang collaborators gaya ng Electronic EP, singles and collaborations.

Ang mga ginawang kanta ni Claudia under Viva Records ay Nothing To Do, una niyang single, at Be It, follow-up record niya. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE