Daniel

Bagong dyowa ni Daniel, rumampa sa Macbeth concert

October 9, 2022 Ian F. Fariñas 418 views

ISA ang Brazilian Japanese actor/model na si Daniel Matsunaga sa mga celebrity guest na dumalo at nakisaya sa day-long 20th anniversary show ng Macbeth sa Metrotent Convention Center nitong Sabado.

Sa maikling pakikipag-usap sa press, sinabi ng dating Kapamilya na naroroon siya para sumuporta sa mga kaibigang modelo na rumampa kasabay ng salitang pagtugtog ng 20 underground at mainstream bands.

Kalaunan, inamin din ni Daniel na isa sa mga modelo nu’ng gabing iyon ang bagong girlfriend niyang si Julia na Brazilian ding gaya niya.

Kwento pa ng actor/model, mahigit isang taon na sila ng karelasyon at dito sila mismo sa Pilipinas nagkakilala.

Sa ngayon, busy daw si Daniel sa negosyo pero kahit ganu’n, ani Julia ay napaka-supportive nito bilang boyfriend.

Samantala, dumalo rin sa nasabing okasyon ang magdyowang Rico Robles at Phoebe Walker.

Kabilang naman sa mga banda at artist na nag-perform sa Macbeth 20th anniversary show si Rico Blanco, ang grupong Mayonnaise, Chocolate Factory, Sandwich, Chelsea Alley, Urbandub, Hilera, Even, Snakefight, Sucketseven, Fragments, Chndtr, Fastpitch, Soapdish, Written By The Stars, Divina, Lilith, Shotgun Combo, Imbue No Kudos, Rouge and Macbeth All-Stars at Superband.

Nagsilbi ring launching ng Lady Macbeth at Macbeth Underwear ang matagumpay na rakrakang concert.

AUTHOR PROFILE