Angelica

Baby Bean, kasama ni Angelica maglakad sa altar

October 9, 2022 Vinia Vivar 319 views

“Ba’t mo ginawa nang inaantok ako?” ang umiiyak na tanong ni Angelica Panganiban sa ngayo’y fiancé nang si Gregg Homan matapos itong mag-propose sa kanya ilang buwan na ang nakararaan.

Yes, engaged na nga ang dalawa five months ago pa at ini-reveal nila ito sa kanilang latest vlog last Saturday.

Angelica was four months pregnant nang mag-propose si Gregg habang nasa tabing-dagat sila.

Makikita sa video na lumapit si Gregg kay Angelica at nagsabing, “Love ko, maraming paraan sa buhay para sumaya sa buhay na ito, pero ikaw lang ‘yung kailangan ko.”

Pagkatapos nito ay lumuhod na si Gregg at tinanong si Angelica, “Ready?”

Sey naman ni Angelica, “Love…”

Inilabas na ni Gregg ang singsing mula sa bulsa.

“Angelica David Panganiban, will you marry me?” tanong niya.

Umiyak na si Angelica at sunud-sunod niyang sey, “No, I don’t know, yes, I love you.”

Cry nang cry ang aktres habang magkayakap sila ni Gregg at ang nakakatuwang sey pa niya, “Ba’t mo ginawa nang inaantok ako? I love you.”

Masuyong sagot naman ni Gregg, “Sorry, wala nang time, eh.”

Sa isang bahagi ng video ay umiiyak na sinabi ni Angelica na “may kasama akong maglakad sa aisle” na ang ibig sabihin ay makakasama na niyang maglakad sa altar kapag ikinasal siya ang kanilang anak.

As we all know, kapapanganak lang ni Angelica sa kanilang first baby na si Amila Sabine o “Baby Bean.”

LOLIT, PINAIYAK NI BOY

Labis na na-touch si Lolit Solis sa ipinadalang tulong sa kanya ni Boy Abunda para sa kanyang dialysis treatment.

Ayon sa veteran entertainment columnist/talent manager sa kanyang recent Instagram post, napaiyak siya nang malaman niyang nagpadala ng tseke sa kanya ang King of Talk.

“Umiyak ako nang sabihin ni Gorgy na nagpadala ng love check si Boy Abunda para sa dialysis session ko, Salve. Naiyak ako dahil para bang ang dami talagang tao na nagmamahal sa akin,” simula ng post ni ’Nay Lolit.

“Gusto ko nga magyabang na sa dami ng nagbibigay ng love check para sa dialysis ko, parang sa loob ng isang taon bayad na ang pagda dialysis ko,” patuloy niya.

She also revealed na marami pa nga siyang tinanggihang tulong at hindi raw lahat ng nais magbigay ay tinatanggap niya.

“At hindi sa pagyayabang, marami pa akong tinanggihan. Tinatanggap ko lang ang tulong ng mga taong mahal ko, iyon puwede kong ipagtanggol, iyon I can take a bullet for them anytime.

“Tinatanggihan ko iyon ibinibigay ng mga taong hindi ko masyadong type dahil baka iyon freedom of expression ko na magbigay opinion malagay sa alanganin dahil sa tatanawin kong utang na loob sa bibigay nilang tulong,” aniya.

Sinabi rin ng veteran columnist/talent manager na dahil sa pagkakasakit niya ay nalaman niyang marami palang nagmamahal sa kanya.

AUTHOR PROFILE