Pic

BABY GO BALIK-PRODUCTION, NA-INSPIRE SA TAGUMPAY NG 2023 MMFF

January 7, 2024 Vinia Vivar 196 views

Dahil sa ganda ng turnout sa box-office ng Metro Manila Film Festival 2023, na-inspire ang independent film producer na si Baby Go ng BG Films International na mag-produce ulit ng mga pelikula ngayong taon.

“Siyempre bilang producer, lahat matutuwa rin na sila ay kumita rin at lumalaki at pinapabalik ang dating sigla ng showbiz,” say ng lady producer sa post-New Year tsikahan with the entertainment press.

Aminado siya na naging matamlay talaga ang mga sinehan since the pandemic kaya tumigil muna siya sa pagpo-produce ng pelikula.

“Nag-focus lang ako dati sa subdivision ko, pero ngayon, gagawa na ako uli. Pero i-showing ko muna ‘yung movie ko na tapos na.

“Alam n’yo naman kung gaano ko kamahal ‘yung showbiz. Nandiyan pa rin ang BG Productions,” saad ni Baby.

“Masaya ako kasi bumabalik na ang sigla ng mga producer at mga artista. Nandito pa rin sa puso ko ang pag-produce,” aniya pa.

Kaya ngayong 2024, she assured na magiging active na ulit siya sa paggawa ng mga pelikula.

Uunahin muna niyang ipalabas ang natapos na nilang pelikulang AbeNida na idinirek ni Louie Ignacio starring Allen Dizon, Katrina Halili, Vince Rillon, Joel Lamangan, Ina Alegre, Leandro Baldemor at Gina Pareño.

Hindi pa niya masabi ang detalye ng mga gagawin niyang pelikula this year at kasalukuyan pa umano nilang pinaplano.

Basta abangan na lang daw ang pagbabalik ng BG Films International.

AUTHOR PROFILE