MPD Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga kapulisan ng MPD sa Ford Ranger pickup na pinangyarihan ng insidente kung saan isang kasambahay ang napaslang habang nasa Sampaloc, Maynila ang naturang sasakyan. Kuha ni Jon-jon Reyes

Babaeng negosyante nahaharap sa mga kaso matapos mamaril sa Sampaloc

October 25, 2022 Jonjon Reyes 415 views

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang negosyanteng babae matapos umanong magpaputok ito ng baril dis-oras ng gabi sa harap ng bahay ng isang police official sa Sampaloc, Maynila, Lunes ng madaling araw.

Nagkaroo umano ng isang armadong engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Tactical Motorcycle Rider Unit (TMRU) ng Sampaloc Police Station sa ilalim ni P/Lt. Col. Paul Jade Doles laban sa lulan ng Ford Ranger pickup dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa harap umano ng tahanan ni P/Maj. Rommel Purisima, hepe, District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD).

Ayon sa Sampaloc Police Station, nangyari ang insidente pasado 1:45 a.m. nitong Lunes sa kahabaan ng Mindanao Ave., corner Mindoro St., sa Bgy. 570 Sampaloc, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon,ang driver ng Ford pickup ay isa diumanong negosyante, tubong Baguio City at ang nasawing kasamahan na isang kasambahay, tubong Binalonan, Pangasinan.

Sa pagresponde ng TMRU, nagkaroon umano ng habulan at palitan ng putok ng baril na ikinasawi ng kasambahay na kasama ng suspek sa sasakyan.

Agad namang nagsagawa ng dragnet operation ang Sta. Mesa Police Station sa pamumuno naman ni P/Lt. Col. Dionnel Brannon MPD Stn. 8, kung kaya’t mabilis na naaresto ang suspek at narekober ang isang kalibre ng .9mm pistol.

Samantala, pinuri naman ni MPD District Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon ang mga tauhan ng Sampaloc Police Station, Doles, at Brannon sa mabilis na aksyon at interbensyon ng pulisya sa naganap na insidente ng pamamaril.

AUTHOR PROFILE