Tulfo Si Secretary Erwin Tulfo habang tinitignan ang mga tent na ipinagkaloob ng Pitmaster sa DSWD NROC sa Pasay City. Kuha ni Jon-jon Reyes

DSWD nakatanggap ng 2K tents mula sa Pitmaster

October 25, 2022 Jonjon Reyes 286 views

PERSONAL na dumalo at tinanggap ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo at Assistant Secretary Rommel Lopez, ang may kabuuang 2,000 piraso ng modular tents, mula kay Eric Dela Rosa, na kinatawan ng Pitmaster.

Lubos na nagpasalamat si Tulfo sa ipinagkaloob ng na mga tent ng Pitmaster dahil malaking bagay raw ito at tulong para sa mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at maging sa mga nasunugan dahil aniya may ligtas na pansamantalang masisilungan ang mga ito.

Bago pa man matapos ang programa ay nagkaroon muna ng isang signing ceremony kung saan pinangunahan ni Tulfo na ginanap sa DSWD National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City, Lunes, Oktubre 24, 2022.

AUTHOR PROFILE