Ava

Ava, pinagsamantalahan ng college professor

September 13, 2022 Vinia Vivar 180 views

Sobrang naka-relate ang Viva sexy star na si Ava Mendez sa pelikula nila ni Cloe Barreto na #DoYouThinkIAmSexy dahil halos katulad din ng nangyari sa kanya ang ilang mga eksena rito.

Tulad ng karakter ni Cloe na na-harass ng kanyang professor, ipinagtapat ni Ava sa screening/mediacon ng movie held recently na naranasan niya rin ito during her college days.

Kwento niya ay may isang professor na nagkagusto sa kanya at nagkataong bumagsak siya sa subject nito dahil that time ay may problema sila ng kanyang pamilya.

Kinausap daw siya ng prof at tinanong siya kung anong pwede niyang gawin para pumasa siya.

Of couse, malinaw na ito ay isang indecent proposal at alam ito ni Ava.

“Sa sobrang depressed ako, wala na ako sa pag-iisip, pumayag ako du’n sa sinasabi niya. Once lang,” pagtatapat ni Ava.

Pero dumating sa pagkakataong gusto pa raw umulit ng prof sa kanya at hindi na siya pumayag. Eventually ay isinumbong niya raw ang guro sa school at na-expel ito.

Hanggang ngayon ay masakit pa raw sa kanya ang nangyaring ito pero kinakaya naman daw niya itong dalhin.

“Kaya isa rin sa mga dahilan kung bakit ako nagkaroon ng anxiety/depression kasi para akong na-rape. Kasi wala akong choice. Anong gusto mo, papasa ka tapos may problema ka sa family mo? Para gumaan lang ba ‘yung pakiramdam ko at gumaan din ‘yung pakiramdam ng parents ko para hindi makita ‘yung card ko na bagsak, wala akong choice. Pinatulan ko muna for once,” lahad niya.

Dahil nga sa pelikula ay parang nag-flashback sa kanya ang nangyari pero na-manage naman daw niya.

Nagsimula nang ipalabas ang “#DoYouThinkIAmSexy” sa Vivamax.

Mula ito sa direksyon ni Dennis Marasigan.

Bukod kina Cloe and Ava, kasama rin sa movie sina Marco Gomez, Chloe Jenna, Milana Ikimoto at Hershie de Leon.

AUTHOR PROFILE