Zia

Netizens, bumilib sa pangangabayo ni Zia

September 13, 2022 Jun Nardo 361 views

SAMANTALA, pinabilib ni Zia Dantes ang netizens nang sumakay siya sa kabayo na parang beterana na sa horseback riding, huh!

Sa murang edad, ang dami nang natututunang gawin ni Zia, ang panganay nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Mula sa pagsasayaw ng ballet at iba pa, marunong na si Zia na tumugtog ng musical instruments, kumanta at magpinta.

What’s next, Zia?

Basta sa kapakanan ng anak, todo suporta ang mga magulang na sina Dong at Yan sa panganay na anak.

BUBOY, MALAKI ANG UTANG NA LOOB KAY MARIAN

TUMATANAW ng malaking utang na loob kay Marian ang Kapuso actor na si Buboy Villar.

Ipinagtapat ni Buboy sa podcast ni Nelson Canlas na Updated With Nelson Canlas na sa TV series ni Marian na Dyesebel sila nagkasama.

“Kung hindi dahil sa kanya at sa director naming si Joyce (Bernal) sa pagtitiwala nila sa akin, hindi talaga mabubuo itong Buboy.

“Thank you, Ate Yan, kasi sobrang laki ng tulong at part mo sa buhay ko. Kasi ikaw ‘yung naging ate ko noon, eh. Lalo na ngayon.

“Actually, magkumare kami. From mag-ate to mag- kumare,” pahayag ni Buboy.

Sa mga narakaang project ni Buboy, sinabi niyang ni-request ni Yan na magsama uli sila gaya ng ginawa nilang Amaya at Super Inday.

Sa totoo lang, bago napasok sa showbiz, ibinahagi ni Buboy na nangangalakal siya noon para may pambili sila ng bigas ng pamilya niya.

Ang pinagdaan niyang ‘yon ay nagsilbing motibasyon kay Buboy upang pagbutihan ang career sa showbiz.

Sa ngayon, isa sa runners si Buboy sa Running Man Philippines kung saan nagagamit niya ang pagiging komedyante niya.

AUTHOR PROFILE