Beauty

Mister ni Beauty, sinasagot ang co-actors na nagpaparamdam sa aktres

September 13, 2022 Vinia Vivar 115 views

Aminado si Beauty Gonzalez na may mga nagpaparamdam pa rin na mga kalalakihan sa kanya kahit may asawa na siya.

May balita pa ngang may mga co-actor na pumuporma sa kanya sa lock-in taping.

Paano nga ba niya naha-handle ‘yun?

“Natatawa ako. May magmi-message sa akin, ang problema ‘yung Instagram ko, open din sa asawa ko. So, minsan, ‘yung asawa ko ang nagri-reply. Sabi ko, ‘buwang ka,’” natatawang sabi ni Beauty sa tsikahan namin sa mediacon niya bilang bagong mukha ng BeauteHaus ng Beautederm kamakailan.

Hindi naman daw siya naaapektuhan at natatawa lang siya.

“Dedma lang ako, hindi naman ako naaapektuhan. Natatawa ako sa asawa ko kasi sinasakyan niya minsan. So, wala namang problema,” sey niyang natatawa pa rin.

Naiinis ba siya sa mga co-actor niya na medyo pumuporma-porma sa kanya?

“Hindi ako naiinis. Kasi kung naiinis ka, meaning nai-enjoy mo. Ako, natatawa lang ako. Sabi ko, ‘ikaw talaga, ha? May asawa na ako,’” aniya.

Sinasabihan din daw niya ang mga ito na ‘hoy, tama na ha, ‘wag ka mai-in-love, trabaho lang ‘to.”

Of course ay nakaka-flatter din naman daw na may nagkakagusto pa sa kanya kahit married na siya’t may anak na.

“I mean, babae rin naman ako na parang ‘okay, cute pa, I mean, there’s something nice na nakita niya but you know, as long as pakita mo ‘yung respect mo sa sarili mo and you respect your husband, I mean, alam naman nila na may asawa na ako,” aniya.

Siyempre, hindi na sinabi ni Beauty kung sino ba ang mga co-actor na pumuporma sa kanya.

AUTHOR PROFILE