Default Thumbnail

ASG patay , 2 sundalo sugatan sa engkwentro sa Sulu

February 21, 2023 Zaida I. Delos Reyes 283 views

PATAY ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang sugatan naman ang dalawang sundalo sa naganap na engkwentro nitong Lunes sa Patikul, Sulu.

Kinilala ni Lt. Col. Abdurasad D. Sirajan, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Western Mindanao Command (Wesmincom) ang napatay na bandido na si Rhydymar Habib Jihiran alyas Gulam.

Isinugod naman sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital ang dalawang sundalong nasugatan.

Ayon kay Maj.Gen. Ignatius Patrimonio, commander ng Joint Task Force Sulu, ang komprontasyon sa pagitan ng grupo ni Mudzrimar Sawadjaan, alyas Mundi at tropa ng 111th Division Reconnaissance Company, at 32nd Infantry Battalion ay nagsimula nitong Lunes ng umaga sa Barangay Kabbon Takas, Patikul, Sulu.

Dahil sa lakas ng pwersa ng militar ay umatras ang mga bandido at habang tumatakas ay naka-engkwentro naman nila ang tropa ng 32IB kung saan panibagong bakbakan ang naganap hanggang sa pilitin ng mga kalaban na makatakas.

Sa isinagawang clearing operation ng militar, na-recover ang bangkay ng bandido at isang M14 rifle, isang bandoleer na may pitong magazines, isang Nokia analog phone,at tatlong backpacks na may lamang personal na gamit.

Ikinalungkot naman ni Lt.Gen. Roy Galido, commander ng Wesmincom ang pagkaswi ng kalaban .

“Despite our constant call for peaceful resolution of conflicts, some remain coldhearted, hence, we continue to intensify our operations to press on them,” pahayag ni Galido.

“Rest assured that our operations are always in adherence to the International Humanitarian Law and other laws promulgated to ensure the safety of the communities,” dagdag ng opisyal.